Nilinis ng singer sa DOJ ang pangalan nina Associate Commissioners Teddy Delarmente at Cabochan tungkol sa participation nila sa pagtakas ni Vo Van Duc, isang Vietnamese-American national at sinasabing terorista.
Si Vo Van Duc, na gumamit ng Philippine passport sa katauhan ng isang Armando Luat ay nawawala na sa Pinas. Kung nasaan ito, ang mga bugok sa BI lamang ang nakakaalam porke sila ang nakinabang ng malaking pitsa todits. Sabi nga, P50 million daw?
Matindi ang mga mangyayari sa mga susunod na days porke tapos na ang paskuhang handog, este, Christmas season pala kaya balik trabaho ang madlang people.
Hindi biro ang ginagawang imbestigasyon regarding sa baho sa Immigration, tiyak marami ang sasabit kapag ikinanta nang husto. Ika nga, heads will role!
Habang hinihimay ng DOJ ang imbestigasyon sa BI, tiyak hindi ito lulubayan ni Rep. Ace Barbers at iba pang kapanalig sa investigation panel kasi ang lalim at tindi ng sindikatong nangyayari sa bureau. Sabi nga, gusto ba ninyong tambayan ng mga terorista ang Pinas? Siyempre, ayaw ninyo!
Halimbawa, mga drug lords, drug chemist at iba pang big-time syndicates, gusto ba ninyong nandito sila? Siyempre, dehins!
Kaya naman nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, at mayroong isang malakas na loob na Congressman Ace ang nagbulgar sa bahong nangyayari sa BI.
"Baka naman maayos si Ace ng sindikato?" anang kuwagong urot.
"Naku, dehins, matindi si Ace, inaalagaan nito ang kanilang dignidad at kredibilidad," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Dumami pa kaya ang masampolan sa Immigration na mga bugok?" tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Abangan mo na lang, kamote!"