^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Kung ano ang inihasik iyon din ang aanihin

-
MALAGIM ang naging wakas ni Iraqi dictator Saddam Hussien – pinatay siya sa pamamagitan ng pagbigti. Iyon ang kaparusahan sa katulad niyang walang awa sa kapwa. Ipinakita sa telebisyon ang mga huling sandali ni Saddam. Noong kunin na siya ng mga naka-bonnet na berdugo at dadalhin sa execution room ay nagpipiglas umano si Saddam subalit nang nasa bibitayan na at isinabit sa leeg ang lubid na bibigti sa kanya ay matapang na niya itong hinarap. Tinanggihan niya ang isusuot na hood. Ang hawak na Koran ay ibinigay sa isang lalaki. Hindi na ipinakita ang pagkabigti ni Saddam sapagkat kusa na itong pinutol. Pero maraming Iraqi ang nakakuha ng kopya ng video kung saan ay ipinakita ang nakabitin na si Saddam na halos nabali ang leeg dahil sa higpit ng lubid na sumakal sa kanya. Inilibing umano si Saddam sa isang pampublikong simenteryo sa Tikrit na bayan niyang sinilangan.

Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin. Nagtanim ng sama si Saddam sa kanyang mga kababayan. Sa 25 taong pamumuno sa Iraq, marami siyang ipinapatay na mga kapwa niya Muslim. Marami siyang nilason ng kemikal. Isang buong angkan ng kanyang kalaban ang kanyang pinapatay. Nang pamunuan ang Iraq noong 1979, lahat ng kanyang mga kapartido at sundalo na pinaghihinalaan may masamang tangka ay ipinag-utos niyang patayin. At kahit na ang kanyang dalawang manugang na lalaki ay hindi rin nakaligtas sa kanyang kalupitan. Ipinapatay niya ang mga ito. Siya rin ang nag-umpisa ng giyera sa Iran noong 1980. Noong 1990, sinakop niya ang oil-rich Kuwait. Subalit hindi nagtagal ang occupation ni Saddam sa Kuwait sapagkat sumaklolo ang mga Amerikano. Sa kabuuan, ang 25 taon niyang pamumuno sa Iraq ay nabahiran nang maraming dugo.

Kaya hindi nakapagtataka na ilang oras makaraang ibrodkas ng Iraqi TV ang balitang patay na si Saddam, maraming mamamayan ang natuwa at nagsipagsayawan sa kalye. Isang malaking selebrasyon ang balitang patay na ang diktador. Hindi mailarawan sa mga mukha ng Iraqis ang katuwaan.

Ang pagbigti kay Saddam ay patunay lamang na walang utang na hindi pinagbabayaran. Ang lahat ay may katapusan. Pagbabayaran ang anumang ginawang kalupitan sa kapwa. Ang ginawang kasamaan ni Saddam ay hindi naman sana gawin ng iba pang pinuno ng bansa. Maging aral sa ibang pinuno ng bansa ang ginawa ni Saddam.

AMERIKANO

INILIBING

IPINAKITA

IPINAPATAY

ISANG

NOONG

SADDAM

SADDAM HUSSIEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with