Ngayon ay muli na naman silang lumalabas sa kanilang mga lungga. Walang tigil sa paghahasik ng lagim para muling painitin ang kaso at mapasakamay na nila ang lupa. Para silang mga leon na umaatungal at humahanap ng mabibiktima; mga ganid sa kayamanan, mapagsamantala sukdulang ang kapwa nilay mapahamak at mayurakan ng dangal, maalisan ng karapatan upang mapasakamay ang lupa na hindi na kanila.
Malalakas ang loob ng grupong ito sapagkat kinakanlong sila ng isang hukom, kung kayat ang desisyon sa korte ay madalas pumapabor sa kanila. Wala nang delikadesa ang grupong ito, lantaran na kung babuyin ang ating batas.
Dapat sanay ang hudikatura ang protector ng taumbayan, ang magbigay ng pantay-pantay na pagpapairal ng batas laban sa mga LAND GRABBERS na ito.
Ano kaya ang kapalit sa isang desisyon? Judge, ano kaya?
Land grabbers ano ba?