^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa land grabbers!

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
BIBIGYANG-DAAN ko muna ang nangyaring malaking bangungot sa aking kaibigan na nabiktima ng landgrabber. Ang kasong ito ay minsan ko nang nabigyan ng daan dito sa column na ito noong nakaraang Setyembre pero minabuti kong mabigyan muli ng pagkakataong talakayin para makapag-ingat ang marami.

Tila isang malaking bangungot nga na maituturing ang nangyari sa aking kaibigan sa sinapit sa isang MALAKING GRUPO NG LAND GRABBERS na gumagala at nambibiktima sa Cavite at Tagaytay City.

Ang modus operandi ng grupo ay hahanap sila nang malaking lupain at di umano’y magsasampa ng kaso laban sa may-ari ng lupa.

Ganyan ang nangyari sa kaibigan ko na ang lupa ay nasa tabi ng Tagaytay Highland.

Siya ang lihitimong may-ari, may titulo at nagbabayad ng buwis subalit nagulat siya isang araw na malamang may demanda siya laban sa isang malaking grupo ng sindikato na di-umano’y may mga kasabwat na mataas at makapangyarihan sa hudikatura.

Ang matindi, ayon pa sa balita ng aking kaibigan may justice raw na nasa likod ng GRUPO ng mga LAND GRABBERS. Ang justice raw na ito ang tumutulong sa landgrabbers.

Ang katotohanan ay nagamit na ang hukuman sapagkat sa madaling-panahon ay nakapagpalabas ng isang desisyon na ipawalang-bisa ang titulo ng lihitimong may-ari ng lupa.

Ang nangyari ay isang napakalaking insulto at pagyurak sa karapatan ng tunay na may-ari ng lupa.

Sabi ng aking kaibigan, hindi man lang daw siya pinatawag sa hukuman upang hingan ng pagkakataon na makapagsumite ng kanyang testigo at ebidensiya.

Masaklap na hindi siya kinilalang nagmamay-ari ng lupa sa kabila ng pinanghahawakan niyang mga dokumento at titulo.

Samantalang ang mga grupo ng LAND GRABBERS na walang ebidensiya at titulong pinanghahawakan ang pinanigan ng hukuman.

Tanong ng aking kaibigan, nasaan ang katarungan?

At ang dugtong niya, ganito na ba katalamak ang gawain sa hudikatura?

vuukle comment

CAVITE

GANYAN

ISANG

KAIBIGAN

MASAKLAP

SABI

SAMANTALANG

SETYEMBRE

TAGAYTAY CITY

TAGAYTAY HIGHLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with