^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Amoy pulitika at amoy bomba!

-
DALAWANG dahilan ang nakikita ni Pasig City Rep. Robert "Dodot" Jaworski Jr. sa pagsabog ng kanyang sasakyan noong Martes ng hapon: pulitika at illegal na droga. Pero mas matimbang ang pulitika na dahilan sa pagtatangka sa kanyang buhay. Kung hindi nakalundag sa kanyang sasakyan, maaaring wala na sa mundong ito si Dodot. Kasama ni Dodot sa kanyang sasakyan ang isang kapatid na lalaki at isang driver-bodyguard. Muntik na sila sapagkat 10 segundo makaraang makalundag sa sasakyan ay sumabog na ito. Nasunog sa isang iglap.

Nang humarap sa isang news conference ay nanginginig pa umano si Dodot. Wala raw siyang alam na kaaway maliban sa pulitika. Mayroon na raw siyang idea kung sino ang nasa likod ng pag-tatangka sa kanyang buhay subalit hindi pa pana-hon para magturo nang magturo sapagkat wala pa siyang matibay na ebidensiya laban sa kanyang kalaban. Ipauubaya na lang daw niya ito sa pulisya.

Habang papalapit ang eleksiyon (anim na buwan na lamang) ay lalong nagiging masalimuot ang mga nangyayari. Pagulo nang pagulo at tila maraming magbubuwis ng buhay habang palapit nang palapit ito. Kahapon ay isang anak na lalaki ng mayor ng Apalit, Pampanga ang pinagbabaril at napatay habang nagmamaneho ng sasakyan. Pulitika ang itinuturong motibo sapagkat kakandidato sa pagka-mayor ang napatay. Hinihinalang ang kalaban sa pulitika ang nagpapatay.

Anim na buwan pa bago ang eleksiyon subalit marami nang madudugong pangyayari at taliwas naman ito sa sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na magiging mapayapa ang May 2007 election. Sabi pa ng Comelec, sisiguruhin nilang malinis at tahimik ang election. Pinaghahandaan na raw nila ito. Pati ang budget sa election ay handang-handa na rin.

Ngayong nangangamoy pulitika na at nangangamoy bomba at pulbura na rin, dapat namang magtrabaho nang husto ang Philippine National Police para mapangalagaan ang mamamayan sa mga maghahasik ng kaguluhan. Tiyak na masusundan pa ang mga pagtatangka sa buhay at siyempre ang mga pulitiko ang target dito.

Ngayon pa lamang ay alamin na ng Comelec at PNP ang mga "hot spot" na lugar kung saan ay nagiging madugo ang sitwasyon dahil sa banggaan ng mga pulitiko. Hindi ito dapat ipagwalambahala.

COMELEC

DODOT

HABANG

HINIHINALANG

IPAUUBAYA

JAWORSKI JR.

PASIG CITY REP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with