Noong una ayaw maniwala ng BITAG sa mga sinasabi ni Gilbert kaya sinubukan namin siya hanggang sa unti-unti kaming naniwala sa kanya.
Kayat on the spot sa harap ng computer, pinagawa namin sya ng nobela. Sa bilis ng kamay ni Gilbert, nakita ng BITAG na sanay na sanay siyang sumulat.
Isang nobela ang nagawa niya sa loob lamang ng limang minuto at kaya rin nyang gawin ang pitong nobela sa loob ng isa at kalahating oras.
Kakaiba talaga ang talentong ipinamalas ni Gilbert sa BITAG pagdating sa paggawa ng mga nobelang malalaswa.
Subalit nang ikuwento na ni Gilbert ang kanyang buhay bilang isang manunulat sa pornograpiya ay hindi rin pala biro.
Dito napag-alaman ng BITAG ang underground na sistema na ginagawa ng malaswang tabloid para hindi mahuli. Kasama rin sa mga isiniwalat ni Gilbert ay kung paano ang paraan ng pagpapasahod sa mga manunulat ng malaswang tabloid.
Nakaramdam lang daw siya ng awa kay Alma kayat lumantad siya sa BITAG. Nangako si Gilbert sa BITAG na siya na mismo ang makikiusap sa sinasabing Mr. E ng malaswang diyaryo.
Abangan bukas ang kumpletong detalye ng pagkukumpisal ni Gilbert sa programang BITAG Extreme na mapapanood mula alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng gabi sa IBC Chan-nel 13.