^

PSN Opinyon

BI, underfire

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
(Part 1)
NIYUGYOG ni Rep. Ace Barbers ang Bureau of Immigration ng mag-privilege speech siya sa Kongreso regarding sa iba’t ibang katiwalian doon.

Sangkatutak daw kasi ang mga foreign nationals na pumasok sa Pinas na may fake visas alaws makitang record sa BI kahit kalkalin ang names nila. Ika nga, nakakuha pa ng mga Temporary Residence Visas o Permanent Residence Visas. May evidence si Ace. Isang Atty. Caluya raw ang ikinanta ni Ace. Sabi nga, only in the Philippines!

Inihalimbawa ni Ace ang nangyari sa World Trade Center noong Sept. 11 kung saan nakita ng madlang people sa buong mundo ang ginawa ng mga terorista sa Tate. Sangrekwa ang namatay todits.

Gusto pa ba natin mangyari ito sa Pinas?

Hindi rin nakakapagtaka sabi ni Ace kung bakit may mga foreign terrorist ang nakapasok sa bansa tulad nina Fathur Roman Al-Ghozi, ang utak sa Rizal bombing. Si Sheik Mohammad, ang plotter sa assassination ni Pope John Paul II at VoVan Duc, ay pawang nasungkit ng mga authorities sa Pinas.

Ika nga, hindi nakakapagtaka kung bakit sila naka-enter sa Philippines my Philippines.

Marami pang foreign terrorists ang dehins namamalayan na nandito sa Pinas at ginagawang training ground at jump-off point ang ating Mother Land para maghasik ng kaguluhan kung hindi man ay sa ibang bansa ito gumagawa ng kagaguhan. Kaya ang tanong ni Ace ay kung ligtas ba tayo sa mga kamote.

Hindi mabilang na Indian nationals ang nakakapasok sa NAIA at sa Cebu International Airport kahit na may directive ang DFA restricting the entry nila. Sabi nga, mahigpit ang utos DFA!

May mga top brass officials sa BI ang sinasabing nagpatayo ng mga mansion sa Ayala Alabang, Quezon City, Tagaytay at La Vista. Ito ngayon ang pinaiimbestigahan ni Ace.

‘‘Kapos ang column ng Chief Kuwago,’’ sabi ng kuwagong urot.

‘‘Papangalanan natin next issue ang mga BI officials na sinasabi ni Ace,’’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Abangan ang part 2 kamote!"

vuukle comment

ACE

ACE BARBERS

AYALA ALABANG

BUREAU OF IMMIGRATION

CEBU INTERNATIONAL AIRPORT

CHIEF KUWAGO

FATHUR ROMAN AL-GHOZI

IKA

ISANG ATTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with