^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang political will sa paglinis ng hangin

-
ISA ang Metro Manila sa may pinaka-maruming hangin sa Asia. Masyado nang polluted ang hangin kaya pati ang mga alitaptap ay biglang nawala. Obserbahan kung may nakikita pang alitaptap sa Metro Manila sa kasalukuyan. Nagliparan na sila sa lugar na malinis pa ang hangin at ang iba marahil ay namatay dahil sa pagkalason.

At kung may dapat mang sisihin kung bakit hindi masolusyunan ang pagkalason ng hangin sa Metro Manila iyan ay ang kawalan ng political will ng mga namumuno. Walang kakayahan na ipatupad ang batas laban sa mga lumalason sa kapaligiran. Kung ang kasalukuyang gobyerno ay magkakaroon ng puspusang paglaban sa mga nagpo-pollute sa hangin, baka hindi lamang mga alitaptap ang maaakit na bumalik sa lungsod kundi pati na rin mga investors. Malaking pang-akit din sa mga dayuhang mamumuhunan ang may malinis na kapaligiran particular ang sariwang hangin.

Ang kawalan ng political will ng mga namumu-no ay nakikita rin ng ilang air quality watchdog. Bagamat may batas daw sa Pilipinas laban sa mga lumalason sa hangin, hindi naman ito maimple-ment. Binanggit ng Clean Air Initiatives for Asian Cities ang ilan sa mga kakulangan ng Clean Air Act of 1999: Kakulangan sa pondo, salat sa quality air monitoring at kulang sa information campaign. Sinabi ni Cornie Huizenga, pinuno ng Clean Air Initiatives na sa tagal ng panahon mula nang maisabatas ang CAA of 1999 wala pang nakikitang resulta sa problema ng air pollution. Binigyan niya ng grado na 6 hanggang 6.5 ang ginagawa ng gobyerno ukol sa paglaban sa air pollution. Mula 1 hanggang 10 ang ginawang pagtaya ng grupo ni Huizenga. Ang 10 ang pinaka-epektibo.

Ang 6 at 6.5 na binigay na grado ng grupo ay mataas pa kung tutuusin. Kung mayroong dapat ibigay na grado sa ginagawa ng gobyerno ukol sa paglaban sa air pollution, dapat 2 hanggang 2.5 lamang. Paano mabibigyan nang mataas-taas na grado gayong wala namang ginagawang matibay na hakbang para lubusang mapawi ang nakamamatay na air pollution.

Tama ang grupo ni Huizenga na sa kabila na pitong taon ang lumipas makaraang maging batas ang Clean Air Act ay wala man lamang nakitang pagbabago sa quality ng hangin sa Metro Manila – lalo pang sumama sapagkat maski ang alitaptap ay nagsitakas.

Political will ang kailangan para mawakasan ang air pollution.

AIR

ASIAN CITIES

BAGAMAT

CLEAN AIR ACT

CLEAN AIR INITIATIVES

CORNIE HUIZENGA

HANGIN

HUIZENGA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with