Mga sagot na may kinalaman sa prostate cancer

ANO ang prostate?

Ang prostate ay gland na makikita sa mga nagkakaedad na lalaki at matatagpuan sa ibaba ng urinary bladder. Ang trabaho ng prostate ay magproduce ng semen. Ang prostate ay kasinglaki ng itlog ng manok.

Kailan nagkakaroon ng prostate cancer?


Apektado ng prostate cancer ang mga kalalakihang may gulang na 50.

Ano ang dahilan at nagkakaroon ng prostate cancer?


Walang eksaktong nakaaalam kung ano ang dahilan ng prostate cancer. Karaniwang nagkakaroon ng prostate cancer ang mga kalalakihang iba’t ibang babae ang nakatalik. Maaari ring magkaroon ng prostate cancer ang lalaking nagkaroon ng sexually transmitted diseases. Naiuugnay din ang pagkakaroon ng prostate cancer kung ang lalaki ay mataas ang intake ng mga mamantikang pagkain o palaging karne ang kinakain. Nasa panganib din ng prostate cancer ang mga kalalakihang nakalantad sa cadmium.

Paano malalaman ng lalaki kung siya ay may prostate cancer?


Walang sintomas na nakikita kung ang cancer ay nasa early stage pa lamang. Ang cancer ay nadidiskubre nang hindi sinasadya kapag mayroong inaalam na hindi magandang nararamdaman sa katawan.

Anong examination ang maaaring gawin ng doktor para malaman kung may prostate cancer?


Magsasagawa ang doktor ng digital rectal exam sa pasyente sa pamamagitan ng pagpapasok ng daliri (naka-gloved) sa ilalim ng rectum para madama kung ang gland ay matigas at lumalaki.

Ano pang ibang examination ang gagawin para malaman kung ano ang stage ng cancer?


Ito ay diagnostic ultrasound, computerized Tomography scans, Magnetic Resonance imaging at nuclear medicine bone scan.

May mga complications ba pagkatapos gamutin ang prostate cancer?


Oo. Hindi agad makaihi. Mayroong hindi agad makontrol ang kanilang pag-ihi. Maging impotent, rectal symptoms, Pagkasira ng sperm cells.

Ano pang ibang paggamot sa prostate cancer ang maaaring gawin?


Depende sa stage ng cancer at kung gaano na ito nakakalat, maaaring alisin ang bayag (castration), bigyan ng female hormones, anti-hormones o isailalim sa chemotheraphy.

Ano ang mga availa- ble na gamot sa Pilipinas?

May kamahalan ang mga gamot. Ilan sa mga ito ay ang Fugerel, Hon-van, Zoladex at Androcur. May side-effects ang mga nabanggit na gamot kaya kailangan ang advice at supervision ng doktor.

Anong advice sa pasyente?


Ang prostate cancer ay maaaring magamot kung made-detect ito nang maaga at mabibigyan ng tamang paggamot sa lalong madaling panahon. Sa mga kalalakihan huwag mag-atubiling magpatingin sa doktor kung naghihinala kayong may prostate cancer.

Show comments