^

PSN Opinyon

Lumalala ang problema sa pornograpiya

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
SOPISTIKADO na ang pornograpiya at patuloy itong namamayagpag sa pamamagitan ng teknolohiya.

Mamimili na lamang ng mga parokyano pagdating sa kanilang panlasa, kung noon ay nagkalat lamang sa mga diyaryo at komiks, ngayon sa mga pirated VCD’s at DVD’s.

Maging sa mga cell phone na kung saan pwede kang magpa-download sa mga computer shops, na lantarang nag-aalok ng ganitong klaseng serbisyo na gawa ng mga sindikatong nasa likod ng pornograpiya.

Puwede ring mga kabataan na ginagamit ang kanilang cell phones na gumawa ng kanilang sariling kalaswaan.

Pero sa ngayon namamayagpag ang pornogra- piya sa pamamagitan ng internet o kung tawagin ay cybersex na karamihan ang nabibiktima ay mga kabataan dahil sa hirap ng buhay.

Kamakailan lakas loob na lumapit sa BITAG ang isang ginamit na model at naging isang best seller ng isang malaswang diyaryo na eksperto sa pornograpiya at kababuyan.

Ang alam ng pobreng si Alma sa ibang bansa ipalalabas ang pornographic video. Nasilaw si Alma sa ibinayad sa kanya. Menor-de-edad pa si Alma nang gawin ang malaswang video. Kalimitang nabibiktima ng ganitong sindikato ay mga menor-de-edad.

Ito ang inyong mapapanood bukas (Sabado) sa BITAG IBC-13 alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng gabi.

Panoorin ang ginawang pag-iimbestiga ng BITAG sa kaso ni Alma.

vuukle comment

KALIMITANG

KAMAKAILAN

MAMIMILI

MENOR

NASILAW

PANOORIN

PERO

PUWEDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with