Ayon sa sulat ni Dr. Casquejo, ang kanyang organization ay ititigil na muna ang pagbibigay ng suporta, pondo o donasyon sa anumang project ng University of Santo Tomas Hospital (USTH). Ito ay hanggat hindi naaayos o naki-cleared ang mga kontrobersiyang bumabalot sa USTH.
Nagpadala ng sulat sina Dr. Casquejo sa Rector Magnificus ng UST at sinabing ang kanilang miyembro na umaabot sa mahigit na 5,000 kabilang pa ang mga miyembro ng UST Medical Alumni Foundation International (USTMAFI) ay nalulungkot sa nangyaring "scrupulous and improper dealings ng UST", kung saan ang rector na nagrerepresenta sa unibersidad ay nagbigay ng libreng 50 taong lease sa lahat ng assets ng hospital sa USTH. Ang rector ay chairman mismo ng board of trustees.
Ang USTH Inc. sa kasalukuyan ay isa na ngayong private institution at dahil ditoy nakahiwalay na sa University of Santo Tomas at sa Dominican Order of Preachers. Ito ay binuo ng siyam ng paring Dominican at tatlong laymen na nag-contribute ng P100,000 bawat isa. Ang lumagda ng long-term lease para sa lahat ng clinical facilities at equipment ng Faculty of Medicine and Surgery ay si UST Rector Fr. Tamerlane Lana at pumapabor sa USTH.
Sinabi pa ni Dr. Casquejo na ang mga miyembro ng USTMAASC na pawang graduate ng UST medical school ay naghihimutok sa nangyaring maniubra sa hospital. Sigurado raw sila na ang pagmamay-ari ng hospital ay napalitan at nailipat na sa pribadong indibidwal sa kabila na walang mandate ng Dominican Master General.
Inihayag ng USTH sa isa nilang media campaign na magre-raise sila ng P3.5 billion na pondo para sa expansion program at para kumita. Ang medical school ng UST kung magkakaganoon ay magiging isang profit institution sa halip na maging isang training center para sa mga medical specialists na noon pa ay orihinal na intention ng UST Faculty of Medicine and Surgery mula nang itatag mahigit 50 taon na ang nakalilipas.