^

PSN Opinyon

Hinoldap ang dalang shabu habang patungo sa Korte

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Hermie ay lieutenant colonel sa Criminal Investigation Service Command sa NCR. Bahagi ng kanyang trabaho ang pag-iingat at pangangalaga sa mga ebidensya sa kasong kriminal. Kabilang dito ang 5.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5 milyon. Dalawang beses na niyang dinala ang shabu sa Regional Trial Court upang isumite bilang ebidensiya sa kaso. At sa dalawang okasyong ito ay may tatlong pulis siyang escort. Subalit ang pagdinig sa kaso ay laging naipagpapaliban kaya kailangan niyang ibalik ang shabu sa kanyang opisina. Minsan ay hiniling niya sa Korte na doon na lamang itago ang shabu subalit tumanggi ang Korte dahil walang vault na paglalagyan.

Nang ipatawag si Hermie sa ikatlong beses upang dalhin nito ang shabu sa Korte, muli siyang naghanap ng pulis para escort. Subalit walang pulis sa mga oras na iyon kaya mag-isa siyang nagtungo sa Korte sakay ng kotse at armado ng .22 kalibreng baril. Subalit 50 metro bago dumating sa Korte ay hinarang siya ng isang lalaki na may baril at hinoldap. Naagaw kay Hermie ang shabu. Agad isinumbong ni Hermie ang insidente sa Korte at sa pulisya.

Gayunpaman, nakasuhan si Hermie ng malversation of public property sa halagang P5 milyon. Matapos ang pagdinig ay nahatulan siya ng Sandiganbayan sa sentensyang 10 taon at isang araw hanggang 17 taon at 4 na buwang pagkakabilanggo at multang P5 milyon. Kinuwestyun ni Hermie ang desisyon. Iginiit niyang hindi niya nilustay sa pampersonal na interes ang shabu na isang publikong pag-aari kundi nawala ito sanhi ng holdap. Dapat daw siyang mapawalang-sala. Tama ba si Hermie?

MALI.
Ang malversation ay maaaring intensyonal o isang kapabayaan. Sa kaso ni Hermie, ang pagkawala ng shabu ay sanhi ng kanyang matinding kapabayaan. Dapat sana ay hindi siya naglakas ng loob na mag-isang dalhin ang shabu sa Korte dahil mapanganib.

Ang pagkawala ng shabu sanhi ng holdap ay hindi magpapawalang-sala kay Hermie dahil ang insidenteng ito ay maiiwasan kung siya lamang ay nag-ingat.

Hindi sapat ang depensang hindi tugma ang kalibre ng kanyang baril sa kalibre ng mga holdaper kaya naagaw ito sa kanya. Tama ang naging hatol at sentensya kay Hermie (Diego vs. Sandiganbayan, G.R. No. 1370282, September 4, 2000).

BAHAGI

CRIMINAL INVESTIGATION SERVICE COMMAND

DAPAT

HERMIE

KORTE

REGIONAL TRIAL COURT

SANDIGANBAYAN

SHABU

SUBALIT

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with