^

PSN Opinyon

Gen. Calderon me sakit na limot kapag jueteng ang pinag-uusapan?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
TATLONG personales ang itinuturong nasa likod sa pagsulputang muli ng jueteng sa bansa nitong nagdaang mga araw. At kapag hindi kumilos si PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon para ipaaresto at ipakulong itong tatlong bugok na itlog, tiyak mapagsususpetsahan na may kinalaman siya sa pagbukas na muli ng jueteng. Siyempre, mauuwi rin sa wala ang pangako ni Calderon na ipasara ang jueteng noong Setyembre pa. Kaya ang 37 matataas na opisyales ng PNP ay nagmamaktol sa ngayon dahil tinamaan sila ng hagupit ng jueteng at nararamdaman nila na nakalimutan na ni Calderon ang ‘‘one-strike’’ policy niya. May sakit kaya na limot si Calderon kapag jueteng ang pag-uusapan? Halos isang buwan lang na tumalima ang PNP officials natin sa kautusan ni Calderon na isara ang jueteng at heto’t nagbukasan na.

Ang itinuturo ng mga kausap ko sa Manila Police District (MPD) na nasa likod ng pagbukasan ng jueteng sa bansa ay sina Supt. Aldie Nieves, at umano’y abogadong si Baltazar at alyas Boy Bata. Tulad ng tinuran nila ng nakaraan, iginigiit ng kausap ko sa MPD na si Nieves ay sa opisina mismo ni Calderon naka-assign, at si Baltazar naman ay sa DILG. Ano ba ’yan? At si Boy Bata naman ay gambling lord. Dating financier ng jueteng si Boy Bata sa balwarte ni Gov. Grace Padaca sa Cauayan, Isabela at sa Pangasinan. Si Boy Bata ang nagpatunay na may jueteng sa Isabela taliwas sa paniniwala ni Padaca na wala, di ba mga suki? Pero sa ngayon, itong si Boy Bata ay palaging nakikita na kasama nina Nieves at Baltazar. May basbas kaya nina Calderon at Interior Sec. Ronnie Puno itong kutsabahan nina Nieves, Baltazar at Boy Bata?

Ang balitang kumakalat sa MPD ay kinau- sap ng tatlong itlog ang mga matataas na opisyales ng PNP na may go signal na nina Puno at Calderon ang pagbukas nga ng jueteng. Kaya lang may pag-alinlangan sa mga kausap nila dahil gusto nilang sa bibig talaga nina Puno at Calderon nanggaling ang go-signal at hindi sa mga alipores lang nila.

Kasi nga, nakalagay sa alanganin ang hinaharap ng mga opisyales ng PNP at kapag sinunod nila itong tatlong itong may tsansang sesemplang sila sa puwesto. Pero dahil nagbukasan na ang jueteng sa maraming probinsiya, nangangahulugan ba itong may basbas na ito nina Puno at Calderon? He-he-he! Sa history naman ng jueteng, matagal na talaga ang isang taon na pagsara nito, di ba Lingayen-Dagupan Arch. Oscar Cruz Sir?

Para sa kaalaman ni Cruz, ng Krusada ng Bayan Laban sa Jueteng, ang unang nagbukas ng puwesto ay si Charing Magbuhos sa Quezon. At siyempre, sumunod sa yapak ni Magbuhos sina Totoy Jaruta at Eddie Caro sa Laguna. Hinahamon ko ang bagong upo na director ng PRO4 na si Chief Supt. Nick Radovan na wa-lisin niya sina Magbuhos, Caro at Jaruta bago natin siya husgahan, di ba mga suki?

ALDIE NIEVES

BALTAZAR

BAYAN LABAN

BOY BATA

CALDERON

CHARING MAGBUHOS

CHIEF SUPT

JUETENG

PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with