Si De Jesus kasi ang naatasan ni Abarzosa na manghuli ng mga pasugalan sa Maynila subalit mukhang maganda ang relasyon nila ni Sacueza. Kung nakahuli ang kaibigan kong si De Jesus ng 80 katao sa anti-gambling drive niya, bakit hindi niya mahuli-huli ang mga butas ni SPO3 Bartolome Tom Sacueza? Magkano ba talaga ang dahilan, ha Col. Abarzosa Sir? He-he-he! Sino kaya ang padrino ni Sacueza, si Abarzosa o si De Jesus?
Buweno kung hindi bola-bola kamatis lang ang pangako ni Abarzosa na ititiklop niya ang pasugalan sa Maynila, hindi ako magsasawa sa pagbigay sa kanya ng mga tip para isulong ang adhikain niya. Tingnan ko kung kayang suwagin ni Abarzosa ang mga butas ni SPO3 Bartolome Tom Sacueza, na naka-assign sa D4 o logistics ng MPD.
Para sa kaalaman ni Abarzosa, ang base ng operation ni Sacueza ay mismo sa bahay niya sa 2791 E. Int. Beata St. sa Pandacan. Bilang giya kina Abarzosa at De Jesus, puwede silang bumagtas sa Beata St., kumaliwa sa Certeza St., lumiko uli sa kaliwa sa Road 5 at presto doon na kayo sa bahay ni SPO3 Bartolome Tom Sacueza. Sa Int. Beata St., ang magiging palatandaan ay ang Yhob bike repair shop nasa kanto mismo ng kalye. Pasukin mo na ang kalye at tatambad sa inyo Col. Abarzosa at Capt. De Jesus ang bonggang bahay ni Sacueza. Ang pinto ay mismo sa harap ng maliit na pasilyo samantalang may hagdan papuntang second floor. O hayan, hindi na maliligaw tiyak sina Col. Abarzosa at Capt. De Jesus kung gusto talaga nilang ipahinto ang bookies ng karera ni Sacueza, di ba mga suki? Kapag hindi kikilos sina Abarzosa at de Jesus, aba maliwanag pa sa sikat ng buwan na sila na mismo ang padrino ni Sacueza kayat untouchable ang mga butas niya, di ba mga suki? He-he-he! Maganda ang kahihinatnan nitong pagbubulgar ko sa darating na mga araw, di ba Mayor Joselito Atienza Sir?
Dito pala sa bahay mismo ni Sacueza sa 2791 Int. Beata nagri-remit ang mahigit 300 kabuhan niya tuwing tapos na ang karera. Kayat kung anim na araw lang me karera, maliban sa Lunes, maraming tao talaga ang bahay ni Sacueza, lalo na kapag alas-10 na ng gabi. Sa bahay din ni Sacueza sa 2791 Int. Beata nagpupuntahan ang mga kolektor ng lingguhang intelihensiya ng CIDG, MPD, DILG, NBI at iba pang operating unit ng PNP. Siyempre, kasama na rito ang tatlong bagyo na sina Arnold Sandoval, Noel de Castro at Pancho na bitbit ni RISOO chief Supt. Roberto Villanueva na bagman naman ni NCRPO chief Dir. Reynaldo Varilla. Dapat magpadala ng operatiba si PNP chief Dir. Oscar Calderon sa bahay ni Sacueza sa 2791 Int. Beata para makunan ng video ang mga umiikot na kolektor ng intelihensiya ng PNP. Yan ay kung seryoso si Calderon na linisin ang hanay ng PNP ng mga tinatawag na rogue cops nga. Abangan!