^

PSN Opinyon

Col. Abarzosa ang bahay ni SPO3 Saqueza ay nasa 2791-E Int. Beata St. Pandacan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MUKHANG ‘‘untouchable’’ talaga sa hanay ng mga opisyales sa hanay ng Manila Police District (MPD) ang bagong hari ng bookies ng karera sa Maynila na si SPO3 Bartolome ‘‘Tom’’ Sacueza. Ayon sa mga kausap ko na naka-assign sa operating units ng MPD, nahuhuli na rin nila ang mga kubrador at mananaya ni Sacueza nitong mga nakaraang araw. Subalit may opisyal daw ng MPD, na gumagamit na pangalan ni OIC Sr. Danilo Abarzosa ang tumatawag sa kanila at pinakakawalan ang mga huli nila. Alam kaya ito ng kaibigan ko na si Sr. Insp. Rene de Jesus, ang hepe ng detective beat patrol ng MPD?

Si De Jesus kasi ang naatasan ni Abarzosa na manghuli ng mga pasugalan sa Maynila subalit mukhang maganda ang relasyon nila ni Sacueza. Kung nakahuli ang kaibigan kong si De Jesus ng 80 katao sa anti-gambling drive niya, bakit hindi niya mahuli-huli ang mga butas ni SPO3 Bartolome ‘‘Tom’’ Sacueza? Magkano ba talaga ang dahilan, ha Col. Abarzosa Sir? He-he-he! Sino kaya ang padrino ni Sacueza, si Abarzosa o si De Jesus?

Buweno kung hindi bola-bola kamatis lang ang pangako ni Abarzosa na ititiklop niya ang pasugalan sa Maynila, hindi ako magsasawa sa pagbigay sa kanya ng mga tip para isulong ang adhikain niya. Tingnan ko kung kayang suwagin ni Abarzosa ang mga butas ni SPO3 Bartolome ‘‘Tom’’ Sacueza, na naka-assign sa D4 o logistics ng MPD.

Para sa kaalaman ni Abarzosa, ang base ng operation ni Sacueza ay mismo sa bahay niya sa 2791 E. Int. Beata St. sa Pandacan. Bilang giya kina Abarzosa at De Jesus, puwede silang bumagtas sa Beata St., kumaliwa sa Certeza St., lumiko uli sa kaliwa sa Road 5 at presto… doon na kayo sa bahay ni SPO3 Bartolome ‘‘Tom’’ Sacueza. Sa Int. Beata St., ang magiging palatandaan ay ang Yhob bike repair shop nasa kanto mismo ng kalye. Pasukin mo na ang kalye at tatambad sa inyo Col. Abarzosa at Capt. De Jesus ang bonggang bahay ni Sacueza. Ang pinto ay mismo sa harap ng maliit na pasilyo samantalang may hagdan papuntang second floor. O hayan, hindi na maliligaw tiyak sina Col. Abarzosa at Capt. De Jesus kung gusto talaga nilang ipahinto ang bookies ng karera ni Sacueza, di ba mga suki? Kapag hindi kikilos sina Abarzosa at de Jesus, aba maliwanag pa sa sikat ng buwan na sila na mismo ang padrino ni Sacueza kaya’t untouchable ang mga butas niya, di ba mga suki? He-he-he! Maganda ang kahihinatnan nitong pagbubulgar ko sa darating na mga araw, di ba Mayor Joselito Atienza Sir?

Dito pala sa bahay mismo ni Sacueza sa 2791 Int. Beata nagri-remit ang mahigit 300 kabuhan niya tuwing tapos na ang karera. Kaya’t kung anim na araw lang me karera, maliban sa Lunes, maraming tao talaga ang bahay ni Sacueza, lalo na kapag alas-10 na ng gabi. Sa bahay din ni Sacueza sa 2791 Int. Beata nagpupuntahan ang mga kolektor ng lingguhang intelihensiya ng CIDG, MPD, DILG, NBI at iba pang operating unit ng PNP. Siyempre, kasama na rito ang tatlong bagyo na sina Arnold Sandoval, Noel de Castro at Pancho na bitbit ni RISOO chief Supt. Roberto Villanueva na bagman naman ni NCRPO chief Dir. Reynaldo Varilla. Dapat magpadala ng operatiba si PNP chief Dir. Oscar Calderon sa bahay ni Sacueza sa 2791 Int. Beata para makunan ng video ang mga umiikot na kolektor ng intelihensiya ng PNP. ’Yan ay kung seryoso si Calderon na linisin ang hanay ng PNP ng mga tinatawag na rogue cops nga. Abangan!

vuukle comment

ABARZOSA

ABARZOSA SIR

ARNOLD SANDOVAL

BARTOLOME

BEATA ST.

DE JESUS

JESUS

MAYNILA

SACUEZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with