Sabi ng iba, buti nga pumila pa siya. Hello! Kaya nga pumila si Ms. Luli ay alam niyang pare-parehas lang dapat. Walang lamangan. Walang kakaibang karapatan ang pagiging anak ng Malacañang. May delicadeza.
Sulat ni Gng. Armida Siguion Reyna: Sa dami nang maaaring isumbong, sanay hindi lang pagpila ng tama ang pagtuunan. Kung talagang may nais sabihin laban sa panlalamang sa kababayan, maraming mas malalaking usapin na kayang asintahin. Napakalaking entablado ng Malacañang sa nais maging puwersa sa pagbabago. Kitam, isang salita niya lang puro ngiti na ngayon sa mga tanggapan ng gobyerno.
Walang lamangan? Ano kayang masasabi sa Executive Order 400 at 400-A kung saan inarbor ng Palasyo ang paggamit ng plakang "No. 1" o ang vanity plate na "PANGULO"? Plakang 2,3,4,5,6,7,8 to 16 naman ang ibinigay sa mga opisyales ng gobyerno. Anong mensahe ang hatid ng ganitong batas kung saan malinaw ang "special treatment" na ibinibigay sa sarili? May kasabihan na "Public service is its own reward": Ang makapaglingkod sa bayan ay ang sarili nitong gantimpala. Hindi kaya mas kahanga-hanga kung manguna ang Palasyo sa pagbawal ng ganitong pribilehiyo?
Salamat at nag-react si Ms. Luli. Marami pang suliranin na maaring makinabang sa kanyang atensyon. Sa Arroyong ito, tiwala ang tao. Sanay pangatawanan niya ang krusada laban sa panlalamang dahil sa kanyang katayuan ay malaki ang maitutulong niya. Ano nga ulit ang tanong . . . "Dont you know who you are?"
Evangeline Lourdes M. Arroyo
Grade: 87