^

PSN Opinyon

Department of Agriculture, wake up!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
DAPAT busisiin ni Agriculture Secretary Arthur Yap ang naibigay na permiso sa mga kamoteng nagpapasok ng mga imported onions at mga vegetables sa Pinas. Mukhang mabagsik ang puslitan blues. Kung may bayad man sa buwis toits tiyak ang mga kuwago ng ORA MISMO na mababa ang binabayaran.

Paging DA Secretary Yap, paki-double check ang permit kung mayroon man, baka recycled ito.

Matindi ang operasyon ng mga smugglers ng sibuyas at gulay ngayon sa pier at inaangal ng mga local farmers sa mga kuwago ng ORA MISMO kaya naman ako ang magbubulgar ng kanilang masamang gawain. Hindi lang ang gobyerno ang lagapak todits sa pamamagitan ng buwis kundi pati mga manggagahasa, este mali, magsasaka pala.

Apektado ang mga magsasaka porke sino ang bibili ng kanilang mga itinanim sa murang halaga ibinebenta ang kanilang produkto. Sabi nga, perwisyo ito sa magsasaka!

Si Secretary Yap na lamang ang pag-asa nila para naman maibenta nila ang kanilang mga products. Trio Los Bobos kung tawagin sina Anthony, Leah at Beth sa Manila International Container Port dahil sila ang nagpapahirap sa mga magsasaka. Ang mga ito rin ang sinasaluduhan ng mga bugok sa Bureau of Customs oras na may parating silang epektos.

Ang mga konek kasi nilang bugok sa bureau ang nagmamaniobra ng kanilang mga epektos para mailabas sa pier. Kung anuman ang pinaggagawa ng mga connection nila, dapat bungkalin ito dahil ang gobyerno at ang magsasaka ang magsa-suffer.

Hindi lang ngayon ang operasyon nila, dekada na ito sa pier kaya lang imbes na tumigil ang mga kamote ay patuloy pa rin sila sa kanilang masamang gawain kaya naman crying in the rain ang mga magsasaka.

"Siguro dapat aksyunan ni Secretary Yap ang usaping ito," sabi ng kuwagong manggagantso.

"Baka naman tulugan nila ang smuggling operation," nanggagalaiting sabi ng kuwagong sepulturero.

"Kawawa naman ang gobyerno?"

"May mga lagay sa mga bugok na taga-gobyerno sina Anthony, Leah at Beth," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Kaya pala up to now ay masaya silang lahat sa pier," sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Paano ngayon ito?"

"Iyan kamote ang aabangan natin!"

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

BUREAU OF CUSTOMS

LEAH

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

SECRETARY YAP

SI SECRETARY YAP

TRIO LOS BOBOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with