Tamang pagpapasuso sa sanggol
November 2, 2006 | 12:00am
SA mga bagong ina, nagkakaproblema sila na magpasuso sa kanilang bunso. Saksi ako sa pag-iyak ng aking pamangking bagong panganak habang pinapadede niya ang kanyang baby. Sabi niyay nasasaktan siya kaya gusto na lang niyang magbottle-feeding. Ikinatwiran din niya na ayaw niyang lumaylay ang kanyang boobs sa pagsuso ng kanyang sanggol. Kinagalitan siya ng kanyang ina na pinsan ko. Sinabi niya na "mothers milk is the best milk". Sinabi ng aking pinsan na lahat ng anak niya ay pinasuso niya kaya lahat silay malulusog at hindi sakitin. Iginiit niya na napakasustansiya ng gatas ng ina. Sinabi niya na hanggat sumususo ang sanggol ay hindi mauubusan ng gatas ang kanyang ina. Dapat na nasa wastong posisyon ang inang nagpapasuso at ang batang sumususo na sa kanyang sucking ang nag-iipon ng gatas sa utong (nipple) at tuloy na ang pagdede ng baby. Kung magkaproblema sa pamamaga ng utong o ng mismong suso dapat ng kumunsulta sa doktor. Dapat na maging komportable ang posisyon ni mommy at ni baby habang nagpapasuso. Maaaring nakahiga o nakaupo ang ina habang nagpapasuso. Sa pamamagitan ng daliri ng ina ay nagagawang bumuka ng malaki ang bibig ni baby para maging maayos ang pagpapasuso. Ugaliin ding ipasuso ang kanan at kaliwang suso at bayaang mabusog ang anak. Pagsapat na ang gatas na nasipsip niya ay kusang titigil siya sa pagdede.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended