^

PSN Opinyon

Itlog na pula pang-export na

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MALAKI ang kita ng mga may itikan dahil ang itlog ng itik ay masarap na gawing balut at itlog na pula. Sa mga pamilihang-bayan ay paborito ang itlog na pula. Sabi nga ng suki kong tindera ay mabilis maubos ang tinda niyang itlog na pula na talaga namang paborito at pinapakyaw ng mga Bombay.

Naireport na ang itlog na pula ay patok na patok sa Saudi Arabia, Kuwait, Bahrain, United Arab Emirates at iba pang bansa sa Middle East.

Sa ginanap na Itik Festival kamakailan sa Candaba, Pampanga nagpiyesta sila sa itlog na pula. Sarap na sarap silang kainin ang itlog na pula na inihahalo sa kamatis. May mga nagluluto ng bibingka na nilahukan ng itlog na pula. Maging ang moon cake ng mga Chinese ay sinasahugan din ng pulang itlog. Napag-alaman na ilang nag-iitik sa Santa Barbara, Pangasinan ang nagpayo na para hindi kaagad masira ang itlog na pula dapat na ito’y hugasang mabuti at lagyan ng ilang kilong asin habang nakababad sa tubig. Naiulat kasi na apat na linggo lang ang itinatagal ng pulang itlog bago masira. Pinatunayan ito ni Bugoy Palomares.

BAHRAIN

BUGOY PALOMARES

CANDABA

ITIK FESTIVAL

ITLOG

MIDDLE EAST

PULA

SANTA BARBARA

SAUDI ARABIA

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with