^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Buwagin na ang PDEA at AIDSOTF!

-
MAY mga "alagad ng butas" na nakatalaga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Anti-Illegal Drugs Special Task Force (AIDSOTF). Ang mga "alagad ng butas" na ito ang nagsasadlak sa dalawang ahensiya para unti-unting gumuho. Sunud-sunod na ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng dalawang ahensiya na ang tungkulin ay lipulin ang mga sangkot sa ilegal drugs. Nasa kanilang pag-iingat ang mga ebidensiyang may kinalaman sa illegal drugs.

Pero malaking pagkakamali na naitatag ang dalawang ahensiyang ito sapagkat nagbigay-batik sa Philippine National Police (PNP). Lalo nang nalubog sa kumunoy ng kahihiyan sapagkat may mga pulis na miyembro ng PDEA at AIDSOTF sa halip na gampanan ang tungkulin na wakasan ang pamamayagpag ng mga drug lords at mga shabu laboratories, nangunguwarta lamang sa mga hinuhuli nilang sangkot sa drugs sa pamamagitan ng extortion. Tataniman ng mga tiwaling agents ng PDEA at AIDSOTF ang napiling biktimahin at presto, kukuwartahan na nila.

Hindi pa natatagalan nang magkaroon ng nakawan ng shabu sa bodega ng PDEA at ang mga agents na pulis din doon ang nagnakaw. Dalawang pulis na mataas ang ranggo ang "utak". Kinasabwat ng pulis ang dalawang guwardiya at ginamitan ng boltcutter ang rehas ng bodega. Ilang kilo ng shabu na nagkahahalaga ng milyong piso ang nanakaw. Ang shabu ay mga ebidensiyang nakatago sa PDEA. Naaresto na ang mga pulis na sangkot.

Kamakalawa, sikat na naman ang PDEA at AIDSOTF sapagkat naaktuhan sila habang nasa isang restaurant sa Quezon City. Kasama ng walong agents ng PDEA at AIDSOTF ang isang wanted na pulis sa kidnapping for ransom. Ang ipinagtaka ng mga arresting officers ay nakita nila sa loob ng van ang anim na hinihinalang drug pushers na nakapiring at nakatali. Hinihinalang inaresto ng PDEA at AIDSOTF ang anim sa drug pushing at saka kukuwartahan. Hinuli raw sa Pampanga.

May batik na naman ang PDEA at AIDSOTF at maaaring hindi na maalis ang batik na ito. Sisihin ang mga "bugok" na "alagad ng butas" ng dalawang ahensiya. Mas makabubuti kung buwagin na ang mga ahensiyang ito at saka bumuo ng isang mapagkakatiwalaan at tapat na organisasyon na nakatuon sa pagwasak ng illegal drugs sa bansa.

vuukle comment

AIDSOTF

DALAWANG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS SPECIAL TASK FORCE

HINIHINALANG

PDEA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with