^

PSN Opinyon

Q, ang magician!!!

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
SINO ba itong si Mr. Q na nakakuha ng tatlo sa pinakamalaking government computerization contract gamit ang tatlong kompanya — Stradcom International Holdings Inc. para sa kontrata sa Land Transportation Office, Land Registration Systems Inc. para sa Philippine Land Registration and Information na proyekto ng Land Registration Authority at ang BCA International Corporation para sa modernization ng mga travel documents o passport ng Department of Foreign Affairs?

Bakit ang galing-galing niya pagdating sa mga kontrata ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria kahit na sumabit ang kontrata niya sa LTO at biglang natigil pagkatapos ideklara ng Commission on Audit ay "flawed" at pinatigil ang patuloy na kabayaran dito samantalang si DFA Secretary Alberto Romulo ang personal na pina-rescind ang kontrata sa BCA for "non performance" at ang LRA project naman ay nakalutang pa rin at tuluyan nang nakahimbing?

Pero mabalik tayo sa una kong katanungan? Sino ba si Mr. Q na magaling umayos sa tinatawag niyang "project development" na magandang-magandang pakinggan pero ang katotohanan, may talento sa pagsasaayos, pagsasama-sama at pagsusumite ng mga project proposals (solicited o hindi) sa mga tanggapan ng gobyerno o kahit sa pribadong sector?

Nagkakaroon na rin siya ng pangalan at nagiging tanyag sa mundo ng mga "powerful player and dealmaker" dahil matindi siya pagdating sa panggagapang at "pangungumbinsi" kahit sa International Finance Corp., ang investment arm ng World Bank na napabilib niya at sumagot ng gastos sa LTO pero nauwi sa proyektong palpak.

Pero kasabay ng kasikatan niya bilang isang expert on deal-making ay kilala rin si Q bilang isang may track record ng palpak na mga proyekto na nag-aaksaya ng milyun-milyong piso o dolyar.

Buong akala ko, komo palpak ang mga pakulo mawawala ito at mananahimik kaso nadudulas din pala siya. Nakalimutan ko na siya hanggang sa mabasa ang isang artikulo sa diyaryo tungkol sa demanda ng Star Infrastructure Development Corporation dahil sa ilegal na pagpapalabas ng pondo na umaabot sa P100 million laban sa kanya. Andyan pa pala siya!!!

Dinemanda siya ng naturang kompanya dahil sa diumano’y ilegal na disbursement ng naturang pondo noong siya ang treasurer, chairman of the board at chief executive officer ng naturang kompanya mula 1997 hanggang 2004.

Pero mga kaibigan hindi yan ang katakutan ninyo, naalarma ako at nagsaliksik ng konti at eto ang natuklasan ko. Balik siya sa dating ginagawa at ngayon ay nakipagtambal ang kanyang kompanyang Strategic Alliance Holdings Inc. (ganda pakinggan ng mga pangalan ng kompanya niya ano? Nakakabilib!) sa isang Indian firm at nais nilang ma-takeover ang Maynilad Water.

Opo, Maynilad Water, ang kumpanya na in-charge sa Metro Manila West Zone na mas marami ang pinagsisilbihan kesa sa ibang parte ng Kamaynilaan. Ang lugar na mas malaki ang pangangailangan ng tubig dahil sa laki ng populasyon.

At yan ang bagong target ni Mr. Q.

Tanong ko lang muli, paano kung mag-ala-LTO project, DFA project at LRA project? Ano ang lalabas sa gripo natin? Hindi naman siguro ginto at lalong hindi langis. Malamang sa hindi hangin na galing sa bibig ni Mr. Q o CEZAR QUIAMBAO na mas matindi siguro ay tawaging Q – The Magician.
* * *
Punumpuno ang pahayagan, radio at television ng balita tungkol sa suspension ni Makati Mayor Jejomar Binay, kanyang vice mayor at mga konsehal.

Magiging maikli at straight to the point ang aking opinion tungkol dito dahil obvious naman kahit sa isang batang musmos na malinaw na panggigipit ito ng Malacañang. Sana lamang para makatipid ang mga super effective na tauhan ni Madam Senyora Donya Gloria ay sabay-sabay na nilang alisin lahat.

Wala namang magagawa ang kahit na sinong kalaban ninyo dahil nasa inyo ang kapangyarihan, kuwarta, sundalo, pulis at higit sa lahat kawalan ng konsensiya. Gawin n’yo na lahat, sagaran n’yo si Juan dela Cruz.

Tandaan n’yo lang, lahat ng bagay may katapusan, ang problema lamang ang masasamang bagay masama rin ang katapusan!!!
* * *
Ang Pilipinas daw ang pang lima sa buong mundo sa dami ng mina ayon kay San Juan Rep. Ronnie Zamora.

Congressman mali ka riyan, hindi ho panglima, nangunguna ho ang Pilipinas. Tingnan n’yo si JOSE PIDAL at mga galamay niya — this is MINE, that is MINE, those are MINE, everything is MINE, the COUNTRY IS MINE, MINE MINE MINE MINE MINE, ALL MINE!!!

O hindi ba number one sa MINE!!!
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o magtext sa 09272654341.

ANG PILIPINAS

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

MAYNILAD WATER

MINE

MR. Q

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with