Ipinangalandakan ni Napocor president Cyrill del Callar na kaya niyang bawiin ang nalugi ng Napocor. Iyan ang rason sa "over-to-the-max" na presyo ng kuryente. Sa ganyang mga pangyayari, natatakot tuloy ang mga dayuhang mamumuhunan na kailangan ng bansa para paunlarin ang ekonomiya.. Nasa nagsisimula pa lamang ang WESM ngunit nangyayari na ang ganyang anomalya. Ang anumang price manipulation ay dagok sa kredibilidad nito. Ang sentro ng imbestigasyon ay ang sobrang baba ng halaga ng presyo ng kuryente sa pamilihan (spot market) na unang pumatak sa average na P2.72 per kilowatt hour (kwh) at ang biglaang pagtaas nito ng dalawang beses sa una at sa ikalawang buwan na umabot na sa halagang P4.853 per kwh.
Dapat gisahin nang husto ni Miriam si del Callar. Dapat klarong ipaliwanag kung bakit at paano nagagawa ang mga panloloko sa bentahan ng kuryente. Kailangan ding alamin ni Miriam kung sinu-sino pang miyembro ng mafia ang sangkot at ang apat na trading firms na siyang nagbenta ng kuryente sa merkado.Madaling manipula-hin ang bentahan dahil ang Napocor pa rin ang dominanteng pinagkukunan ng kuryente na ibinebenta sa WESM. Ang pagmamay-ari nila ng 70 hanggang 80 porsiyento ng kabuuan suplay ng kuryente sa bansa ang malamang na umakit sa mafia na manipulahin ang presyo. Kung paano sila kumita ay malalaman natin sa mga trading firms na dapat pigain ng PEMC at JCPC.
Ang kontrol sa suplay ng kuryente ang isa ring dahilan kung bakit hinahadlangan ng mafia ang privatization ng Napocor. Mantakin na lang na sa kabila ng mahigit na apat na taon mula ng ipasa ang Energy and Power Indus- try Reform Act (Epira) ay tatlong porsiyento pa lang ng asset ng Napocor ang naibebenta. Dahil dominant player ang Napocor at halos lahat ng suplay ng kuryente ay galing sa kanila, marahil ay nagkaroon ng ideya ang apat na trading firms ng Napocor na manipulahin ang presyo.
Ang WESM ay binuo alinsunod sa Epira Law ngunit hindi pa dapat itong mag-operate dahil hindi pa nakukumpleto ang mga requirements katulad ng pagsasapribado ng Napocor assets. Ang WESM ay isang sistema para mapanatili ang pagiging competitive ng presyo ng kuryente sa pamilihan. Ang WESM ay gaya ng stock exchange ang operasyon. Ang mga buyers ng elektrisidad ay naghahanap ng pinakamababang presyo sa mga nagbebenta. Ang kaibahan lamang ng WESM sa Philippine Stock Exchange, ang una ay kontrolado ng Napocor.
Kawawa naman ang bayan! Si Juan dela Cruz ay nagiging "Juan Pasan-Krus dahil sa kawalanghiyaan ng mga mapagsamantala. Dapat putulan na ng sungay ang mga ganyang klaseng tao.
Email me at alpedroche@philstar.net.ph.