^

PSN Opinyon

Doktor ang nakaaalam kung may emergency

SAPOL - Jarius Bondoc -
PASINTABI po sa kumakain. Nakakabaligtad ng bituka ang paksang ito.

May nasagasaan sa Elliptical Road, QC. Naka-motorsiklo siya, at nabangga ng taxi. Pagtumba niya, dinaanan nang malaking truck. Pisak ang buong katawan. Tinakpan na lang ng diyaryo dahil tiyak na patay na.

Tinanong ko pa rin sa doktor, tama ba ang ginawa? Ani Dr. Orlando Ocampo, surgeon sa Far Eastern University Hospital, sana may dumating agad na ambulance at marespetong buhatin ng paramedics ang bangkay.

May iba pang malagim na tagpo. Madalas patakpan ng diyaryo ng pulis ang nakabulagta sa kalye dahil sinaksak, binaril o nabundol. Kumbaga, sigurado na siyang patay ang tao sa hitsura pa lang, hindi sa tamang pagpulso. Hindi iniisip na maaaring buhay pa ang biktima.

‘Yun ang foul sa lahat, ani Dr. Ocampo. Doktor sana ang tamang taga-pulso. Pero hindi ito America, kung saan may batas na kapag tinawagan ang "911", kailangang dumating ang ambulance sa loob ng 13 minuto, kundi’y demandado ang siyudad. Dito walang ambulance ang siyudad o ospital. Kung meron man, matrapik patungong emergency site. Ganunpaman, huwag dapat i-presume agad na patay na ang nakabulagta, Maaring nawalan ng malay-tao kaya tila hindi humihinga. Kailangan nu’n ng first aid.

Sa mga nagpe-first aid, ang unang dapat gawin ay kumuha ng malinis na tela at idiin sa dumudugong parte ng katawan para bumagal ang daloy. Tapos, huwag kalad-karin ang biktima na parang baboy. Kasi kung may bali ang buto o wasak sa internal organ, lalong lalala. Dapat daw gumamit ng matigas na bagay – pinto, mesita, tabla – bilang stretcher papunta sa ospital o sa loob ng sasakyan.

Naalala ni Dr. Ocampo ang nangyari sa Wowowee stampede sa Ultra, Pasig. Dalawa sa inakalang patay na ay buhay pa pala. Basta na lang sila nilatag sa damuhan katabi ng ibang patay, imbes na itakbo sa ospital. Nang mabatid na naghihingalo pala, huli na ang lahat. Umabot nga sila sa ospital, pero pumanaw din sa naunang kapabayaan.

DALAWA

DAPAT

DITO

DOKTOR

DR. OCAMPO

DR. ORLANDO OCAMPO

ELLIPTICAL ROAD

FAR EASTERN UNIVERSITY HOSPITAL

GANUNPAMAN

KAILANGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with