Ang imported chicken, bow!

BALAK ng Department of Agriculture na mag-angkat ng imported chicken from abroad kasi kapos daw ngayon ang manok sa merkado todits sa Pinas. Sabi nga, magpa-Pasko pa naman!

Sa announcement ng mga bright boys sa Department of Agriculture, maraming nagpalakpakan at naglundagan dahil tiyak kikita nang malaki ang mga bugok. Ika nga, dadagsa ang smuggling ng chicken. Tiyak magkakaroon ng undervalue.

Imbes na kumita ang gobyerno sa buwis, baka sila pa ang mabaon kapag nagkataon. Naulinigan ng mga kuwago ng ORA MISMO ang plano ng mga ogag sa declaration ng fall of Bataan, este mali, ng pag-angkat ng imported chicken kaya naman ang mga tekamots ay nakangising parang gutom na aso. Sabi nga, kademonyohan na ang nasa utak!

Tuwang-tuwa sa galak ang mga businessmen con smugglers dahil binigyan sila ng bagong buhay ng mga bugok sa gobyerno para kumita nang malaking pitsa ngayong Kapaskuhan. Sino kaya si Santa Claus?

Sa pagkakaalam ng mga kuwago ng ORA MISMO, may kokontra tiyak sa plano ng mga bright boys sa pag-angkat ng manok. Kung sinuman siya, iyan ang abangan sa susunod na kabanata, he-he-he!

Naalala tuloy ng mga kuwago ng ORA MISMO ang imported dressed chicken sa Port of Batangas na puwersahang inilabas sa Bureau of Customs ng alaws binayarang buwis kahit na singko sentimos.

Nagulantang na lamang ang taga-Bureau nang sunud-sunod na lumabas sa media ang nangyaring nakawan. Ang masama, ang utak sa pagpupuslit ay nagtatawa up to now pero ang mga maliliit ay nalagay sa indulto. Hay buhay sa Pinas!

Lamang kasi sa atin ang mga taong mayayaman basta may panggastos, tiyak lusot.

"Paano kung walang panggastos?" tanong ng kuwagong waiter sa isang fast-food chain.

"Bulok ang paninda mo," sagot ng kuwagong Kotong cop.

"Kaya pala super bilis na nagsisilabas ang mga epektos basta may pitsa," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Hindi lang pitsa kamote, kailangan ang matinding koneksiyon."

"Tumpak ka d’yan!"

Show comments