^

PSN Opinyon

Red tape = lagay

SAPOL - Jarius Bondoc -
HALOS matuyuan ng dugo si reader Noli Reyes III. Kinailangan niyang kumuha ng birth certificate ng kapatid, at nagtungo sa National Statistics Office sa West Triangle, Quezon City. Wala ru’n ang papel, kaya tumuloy sa Civil Registrar sa Manila City Hall. Sinabihan siyang wala rin du’n ang dokumento, pero nahanap nang ibigay niya ang registry number. Tapos, siningil siya ng fee para ipadala ‘yon sa NSO. "Di ba’t tungkulin nila yon sa batas, na walang singil-singil?" usisa ni Noli miski alam na ang sagot. "Bakit sila uupu-upo lang sa opisina, tapos, maniningil pa para gawin ang trabaho nila!"

Sa wakas, nakuha na ni Noli ang birth record ng kapatid. Pero may annotation sa likod na nagpalit ng pangalan sa Juvenile Court Ruling. Sabi ng NSO, bumalik siya sa Civil Registrar at humingi ng endorsement. Bakit pa, aniya, e legal naman at sa security paper pa ang dokumento. Imbis na pagaanin ang buhay ni Noli, pinapunta rin siya sa korte para sa isa pang endorsement. At pinagbayad siya muli ng fees para sa lahat ng ito.

Ang naranasan ni Noli ay bureaucratic red tape. Nagpapataw ang mga ahensiya ng gobyerno ng kung anu-anong alituntunin para umano maiwasan ang katiwalian at kapalpakan, pero du’n din nauuwi. Ehemplo, kelangang magpa-police clearance bago magbenta ng kotse, para kuno hindi nakaw. Punta ka sa pulis at sa Land Transportation Office. Minsan, napansin ng kaibigan ko, ’yung binibili niyang kotseng 2003 model ay "W" pa ang unang letra sa plaka, na pang 2001 model. ‘Yun pala, nagkamali ng pag-type ng taon sa LTO computer files. Hindi nga carnap ang kotse, pero parang gan’un na rin dahil sa kapalpakan ng taga-type.

Mas malala kung ang red tape ay nauuwi sa katiwalian. Ihalimbawa natin muli ang LTO. Ang dami mong window na lalapitan para lang mag-renew ng rehistro ng sasakyan. Mula stencil at pag-fill up ng papeles, hanggang sa pagbayad at pagkubra ng stickers, aabutin ka nang dalawang oras. Kung empleyado kang papasok pa sa opisina o negosyanteng may miting, hahanap ka na lang ng fixer. Bigyan mo ng P200, siya na ang bahala sa lahat, pati pagparte sa mga taga LTO, sa loob ng 15 minutos. Kumbaga, sinadya ang red tape para mapilitan kang magsuhol.

BAKIT

CIVIL REGISTRAR

JUVENILE COURT RULING

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MANILA CITY HALL

NATIONAL STATISTICS OFFICE

NOLI

NOLI REYES

PARA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with