Lumapit sa akin kamakailan ang isang kinatawan ng walong kawani ng Italia Country Club, Inc. na pag-aari ni Mr. Bobby Aguirre ng BF Homes Inc. para humingi ng tulong kaugnay ng anilay hindi nababayarang benepisyo tulad ng allowance at iba pa, sa kabila umano ng utos ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa naturang kompanya na ibigay na ang kanilang demand.
Bukod sa unpaid salaries and allowances mula taong 2003, 2004 at 2005 hanggang sa ngayon, hindi rin daw sila tumanggap ng thirteenth month pay at medical allowances at hindi naire-remit ang kanilang kontribusyon sa SSS, Pag-IBIG at PHILHEALTH. Malaking paglabag iyan sa batas ng labor at may karampatang parusa ang sino mang sumusuway na kompanya maliban na lang kung may legal na dahilan. Ang mga empleyadong nagreklamo na sa DOLE ay sina Dionisio Cruz, Jose Beron, Jose Panganiban, Ramon Gonzales, Noel Villa, Ernesto Balco, Ruby Valente at Luz Gane.
Kasama sa mga dokumentong ibinigay sa akin para maging basehan ay ang order ng DOLE na may petsang Mayo 17, 2006 na nag-aatas sa kompanya na i-grant ang demand ng mga empleyado at resolusyon na may petsang Hulyo 21, 2006 na nagdi-deny sa mosyong inihain ng may-ari ng kompanya para ibasura ang reklamo. Inaatasan ng DOLE ang kompanya na bayaran ang mga kawaning naghahabol ng kabuuang P976,408 sampung araw matapos tanggapin ang order. Ang halagay kumakatawan sa kanilang unpaid benefits. Ang kautusan ay nilagdaan ng NCR Director na si Ricardo S. Martinez, Sr.
Nag-motion for reconsideration ang kompanya at noong Hulyo 21, 2006, naglabas ng resolusyon ang DOLE na may lagda rin ni Director Martinez na nagdi-deny sa mosyon. Ibig sabihin, dapat executory na ang kautusan at obligadong tumalima sa desisyon ng DOLE ang kompanya. Hindi ko alam kung may ibang counteraction na ginawa ang kompanya at kung mayroon man, sanay ipaalam nila sa atin para maipaliwanag sa publiko ang iba pang aspetong legal ng kaso. Kaya malaya ang inirereklamong kompanya na magpadala rin sa atin ng kanilang panig, in the interest of fair play, at itoy ilalathala rin natin.
Umaasa akong susunod ang kompanya sa kautusan ng DOLE. Mahihirap na tao ang sangkot at ang hinihi-ngi ay yung nakalaan para sa kanila. Hindi naman napakalaking halaga ang involved . Im sure barya lang iyan sa yaman ng mga Aguirre at kung rasonable ang demand ng mga pobreng workers ay bakit hindi ibigay? Naniniwala akong may puso si Mr. Aguirre na sa matagal na panahon ay naging biktima rin ng politika nang nagsara ang kaniyang Banco Pilipino na ngayoy nagtamo ng katarungan. Naway dahilan ito para mabigyan din ng hustisya ang mga nagrereklamo niyang kawani. Wika nga, payback time. Nabigyan ka ng hustisya, magbigay ka rin nito. Magastos din ang aksyong legal na gagawin ng kompanya at posibleng higit pa sa isang milyong piso ang magastos kung papagtatagalin pa ito. Afterall, magpapasko pa naman at mahirap ang buhay.
Email me at alpedroche@philstar.net.ph.