Idolo ng seniors

Doon sa Senado may isang senador
na iniidolo naming mga seniors;
Di siya mayabang at tapat maglingkod
siya ay mabait saka maka-Diyos!

Sa Senate session hall siya ay aktibo
sa mga debate’y lumalahok ito;
Sa mga usapin at pambansang isyu
ang kanyang opinion litaw na totoo!

Seniors Citizens Act ay kanyang inakda
upang matulungan ang mga matanda;
Kaya siya ngayo’y kilala ng bansa
na tanging senador – nagmahal sa dukha!

Disk’wento sa sine at sa transportasyon
pagbili ng gamot at hospitalization;
At sa mga baya’y may OSCA na ngayon
na ayon sa batas ay handang tumulong!

Sa buong historya ng ating Kongreso
mabunying senador tanging nagpauso
Ng tamang tangkilik sa matandang tao
kaya ngayon siya ay mahal ng mundo!

Ang pangalan nya’y Edgardo Angara
kung siya’y magdamit magarang-magara;
Sa Barong Tagalog at Amerikana
malayo’t malapit ay tipong artista!

Senador na ito’y simpleng simpleng tao
kaya sa ambisyon ay hindi magarbo;
Posibleng hintay n’ya ay magandang t’yempo
upang kung p’wede na ay maging Pangulo!

Sa kanyang tanggapan nang kami’y magsadya
ni hindi sinino’t kung saan nagmula;
Kanyang pagsalubong sadyang pambihira
at sa kanyang harap kami’y pinanumpa!

Kaming mga seniors sa ‘ming pamayanan
saludung-saludo sa iyo kabayan;
Kaya kung magawi sa mahal kong bayan
kami ay dalawin kahi’t minsan lamang!

Show comments