^

PSN Opinyon

Tulisang pulis sa MPD dumarami!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
TUNGHAYAN mga suki ang misteryong bumabalot sa Toyota RAV4 na may plakang UNY 806. Itong RAV4 kasi ay isa sa mga sasakyang ginamit ng armadong kalalakihan na umaresto at kumulimbat ng milyong halaga ng pera, alahas at cell phone na dala-dala ng apat na miyembro ng Acetylene Gang na tumira sa Caloocan City noong Sept. 3. Kalalabas lang kasi sa JILPawnshop na matatagpuan sa Sangandaan Junction ang apat nang harangin sila ng armadong kalalakihan na nagpakilalang mga pulis.

Malinis na sana ang trabaho ng mga mokong na pulis na ito mga suki. Isang iglap lang milyon na kaagad ang kita. Subalit imbes na ligaya, mukhang sabit ang aabutin ng mga pulis na sangkot sa kaso dahil sa sipag at tiyaga ng bida natin na si Supt. Nap Cuaton, ang hepe ng SIB ng Caloocan City police. Natuklasan kasi ni Cuaton na ang naturang RAV4 ay nakaparada sa tapat ng Station 5 sa UN Ave., ng Manila Police District (MPD). At natuklasan ni Cuaton na ang kumulimbat ng alahas, pera at cellphone ng Acetylene Gang ay ang mga pulis. Kaya tama lang ang katanungan ni Konsehal Edward Tan, ng Manila’s First district sa kanyang privilege speech kamakailan. ‘‘Ganyan na ba katalamak ang ating kapulisan dito sa Maynila’’ Baka si Mayor Joselito Atienza ay may kasagutan sa tanong na ito ni Konsehal Tan, di ba mga suki? He-he-he! Mukhang dumarami ang bilang ng tulisan o magnanakaw na pulis sa MPD nitong nakaraang mga taon.

Ang naturang sasakyan ay nakarehistro sa isang Angie Miranda, ng Solicitor’s General Office. Pero ayon kay Miranda, naibenta na niya ito sa isang William Enriquez ng Cainta, Rizal at nagpakita siya ng deed of sale ng sasakyan. Nang kumprontahin si Enriquez, naisalya na rin niya ang RAV4 sa isang Ernesto Mariscal ng Pasay City.

Natuklasan din ng Caloocan City police na ang dalawa sa apat na miyembro ng Acetylene Gang na sina Rudy Pagsao y Penenet at Roy Lopez y Domugen ay nakakulong sa Station 5 sa kasong possession of illegal drugs. Pagkatapos magpiyansa sa prosecutor’s office, kinalawit ng mga pulis-Caloocan sina Pagsao at Lopez bilang suspects sa Jil pawnshop at kumanta naman ang dalawa at ikinuwento ang sinapit nilang kamalasan sa kamay ng mga pulis-Maynila. Dapat paimbestigahan ni NCRPO chief Dir. Reynaldo Varilla ang kaso na ito at sibakin ang nagkasala.

Ayon kina Pagsao at Lopez, matapos silang masakote ng mga kalalakihang nagpakila-lang pulis-Caloocan, ilang metro ang layo sa ninakawan nilang pawnshop, pinosasan at piniringan sila at pinasakay sa sasakyang dala nila. Nang tanggalin ang mga piring nila, nasa loob na sila ng Station 5 suballit nawawala ang dalawang kasamahan nila. Siyempre, wala rin doon ang halos dalawang kilo ng alahas na nakulimbat nila sa pawnshop.

Ayon sa dalawa, pinagbubugbog sila ng mga pulis at pilit na inaalam kung sinu-sino pa ang mga kasamahan nila sa raket nila. Ayon kina Pagsao at Lopez, hiningan pa sila ng P100,000 ng mga pulis kapalit ang kalayaan nila. May kapatid ang isa sa mga suspect na lumutang at naghatag ng P100,000 para makalaya ang dalawa. Subalit mautak ang mga pulis at ayaw pahuli ng buhay o may ebidensiya. Ang ginawa nila, nag-file sila ng illegal possession of marijuana at presto magaang nakalaya sina Pagsao at Lopez na napasakamay naman ng Caloocan Police na matagal nang nagmamanman sa kanila. Ang palaging gumagamit pala ng RAV4 mga suki ay si SPO4 Elmer Manalang, ang hepe ng follow-up section ng Station 5.

Abangan!

ACETYLENE GANG

ANGIE MIRANDA

AYON

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

LOPEZ

NILA

PAGSAO

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with