Sobra na nga naman ang mga taong ito, kasama na ang magkakapatid na Ramon, Erwin at Raffy Tulfo, si Kongresista Alan Peter Cayetano at si Ka Lito Banayo dahil pinagdidiskitahan nga naman nila ang bait-bait at matulunging si Jose Pidal este hindi pala si First Gentleman Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo.
Hindi ba naiisip ng mga bumabatikos sa kanya na masamang galitin ang isang katulad na walang kaaway at napakalinis ng hangarin para sa kanyang mga kapwa? Hindi ba nila alam na maaaring mauwi sa heart attack o kayay stroke na maaaring ikamatay o di kayay habambuhay na pagkaparalisado kung hindi nila siya tatantanan?
Paano ang mga nagmamahal sa kanya, katulad ng kapatid niyang si Congressman Iggy Arroyo, anak niyang si Sir Senyorito Miguelito Mikey Arroyo na Kongresman, si Vicky este mali, si ES, oops mali pa rin, si Madam Senyora Donya Gloria pala na kailangang kailangan ang support niya. Im sorry nga pala, lapse in typing ang nangyari kaya may mali na may oops pa.
Bukod sa maaari siyang magkasakit, hindi ba nila naisip ang panahong naaaksaya niya sa pagpunta sa piskalya, sa pag-attend ng hearing, sa pagpasyal sa Kongreso upang maghain ng reklamo sa ethics committee. Ang mga oras na ito ay dapat iginugugol niya upang mangulekta, oops, huwag kayong mag-isip ng masama, ibig kong sabihin mangulekta ng suporta para kay Madam Senyora Donya Gloria.
Bukod kasi sa support na naibibigay niya kay Madam Senyora Donya Gloria, dapat sana ay natutupad niya ang pagiging traveling ambassador lalo na at kailangan niyang magtungo sa San Francisco upang inspeksyunin ang isang apartment building doon sabay lipad tungong Spain upang tingnan ang isang mala-palasyong bahay, cross sa Europe papuntang United Kingdom then lipat naman sa Switzerland at Germany upang pag-aralan ang banking system bago bumalik ng Asia para tingnan ang kapakanan ng mga Pinoy sa Hong Kong lalo na ang malapit doon sa Coots Bank bago tumulak uli papuntang Singapore para asikasuhin naman ang mga Pilipinang malalapit ang tirahan sa mga banko.
Waste of time rin ito para sa mga sipsip gaya ng 12 kongresistang sumalubong pa sa kanya at inalalayan siya dahil baka madapa sa Batasang Pambansa at kailangan siyempreng pangalagaan ang magandang pangalan ng Kongreso na super kintab at super dulas na mga sahig. Paano nga naman kung patirin ng mga minorya sa kongreso gaya ni Congressman Rolex Suplico na hindi malayo ay isasama na rin sa demanda ni Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo.
Aksaya rin ang gasolinang ginagamit niya sa pagtungo sa piskalya at kongreso dahil siyempre maraming nagmamahal sa kanya kailangan sangkatutak na back up ang kailangan at siyempre malalaki at magagarang kotse na mabilis kaya natural malakas ding humigop ng gasolina. Waste nga naman ito ng pera ng bayan at puwera pa ang suweldo ng mga bodyguard at mga alalay na kasama niya.
SOBRANG KAAWAAWA NGA NAMAN, APING- API!!!
Hindi pa nagkasya ang mga ilegal na sugal gaya ng jueteng at masiao at talamak na rin ang fruit game, video karera at iba pa. Bata, matanda ay lulong na sa sugal.
Pagdating naman sa ilegal na droga, sobra na ring kalat ito. Inamin ng mga opisyal na P700 billion ang drug trade yearly. Malamang mas mataas pa ito dahil laganap na laganap ang mga shabu tiangge hindi lang sa Metro Manila kung pati sa mga lalawigan. Malungkot lang nito, puro huli raw pero wala namang malaking isdang nabibingwit ang mga awtoridad. Todo pa ang anunsyo ng Malacañang na inalis na ang parusang kamatayan kaya safe na ang mga drug lord na dapat sana ay palamunin ng mga drogang ginagawa nila.
Ang kotong naman ay super kalat na rin at patunay dito ang mga text messages, e-mails at feedbacks na natatanggap. Mula sa mga dinadaanan ng mga naghahatid ng gulay at paninda hanggang sa mga bagsakan at ultimo maliliit na may-ari ng sari-sari store ay hindi pinatatawad ng mga magagaling na pulis, MMDA, local law enforcement at pati mga barangay tagay dahil birthday ni kapitan.
Corruption naman ay lantad na lantad na rin. Walang opisina ng gobyerno ang masasabi kong maayos nitong nakaraang panahon. Kanya-kanya ng gawa dahil okay naman kay Madam at kay Sir at ang motto talaga ay FOLLOW THE LEADER.
Sisikapin kong idetalye sa susunod na mga column pero iisa ang nakikita ko, talagang malala ang problema sa corruption, drugs at crime at walang ginagawa ang mga magagaling na opisyal sa pamumuno ng mga taga-Malacañang maliban sa press releases.
Sana lamang ay mabubura ang lahat ng iyan sa pamamagitan ng press release pero hindi na ako nagtataka sa ginagawa nila. Malinaw naman kasi kung ano ang pakay nila sa pamamalagi sa Malacañang at yan ay tiyaking ligtas ang kanilang sarap ng buhay at taba ng bulsa.