^

PSN Opinyon

Pera mula sa illegal drugs gagamitin sa 2007 elections

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
UNTI-UNTI na raw inilalabas ang pera na nanggaling sa illegal drugs upang gamitin sa 2007 eleksyon. Daang bilyong piso raw ang inilalaan upang suportahan ang mga manok na patatakbuhin ng drug lords.

Ang ilegal na droga ay pinakamalaking negosyo ngayon sa bansa na kumikita ng P700 bilyon bawat taon. Tinalo na ng droga ang produktong alak at sigarilyo. Sa illegal drugs na kumakalat ngayon, shabu ang pinaka-popular at sinusundan naman ng marijuana, rugby, cough syrup at ecstacy. Kung dati ay daan-daang piso lamang ang bawat gramo ng shabu ngayon ay tumataginting na P5,000!

Hindi na nakapagtataka kung bakit naging pangunahing industriya ang ilegal na droga sa kabila na mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang paggawa at paggamit ng mga ito. Lumaki ang industriya ng illegal na droga sa Pilipinas dahil tinatangkilik at sinusuportahan ng mga corrupt na opisyal ng pamahalaan kasama na ang mga alagad ng batas.

Hindi rin naman nakapagtataka kung bakit ganoon na lamang ang pagsuporta ng drug lords sa mga patatakbuhin nila sa 2007 elections. Kapag nagtagumpay silang makapagpuwesto ng kanilang mga "manok" sa gobyerno, ang mga ito ang magiging protector ng kanilang negosyong droga. Magkakamal pa silang lalo nang limpak-limpak na salapi.

Kung mangyayari ang ganyang senaryo sa bansa, lalong magiging kawawa ang taumbayan. Mahirap na nga ang kalagayan ng buhay ay marami pang sugapa sa bawal na gamot. Lalong dadami ang krimen.

Matindi na ang problema ng bansa sa illegal drugs. At kung magkakatotoo na nagsisimula nang kumilos ang drug lords para makapagpuwesto ng kanilang manok, dapat mag-isip na rin ang taumbayan kung paano magiging matalino sa pagpili ng kandidato. Pakaisiping mabuti ang iluluklok at baka "manok" ng mga salot na drug lords. Hindi naman dapat magningas-kugon ang awtoridad sa pagdurog sa mga "salot" ng lipunan.

DAANG

KAPAG

KUNG

LALONG

LUMAKI

MAGKAKAMAL

MAHIRAP

MATINDI

PAKAISIPING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with