^

PSN Opinyon

Masarap ang ginataang santol

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SANDORIANA koet jape merr ang scientific name ng santol. Mapapansin n’yo marahil na napakaraming itinitindang santol ngayon. At ang labis na nakapagtataka ay malalaki na ang mga santol hindi katulad noong mga nakaraang panahon na maliliit. At kapansin-pansin din na napakatatamis ng mga tindang santol ngayon.

Dahil masarap ang santol pati na nga mga buto nito ay nilulunok pero ipinapayo ng mga doctor na hindi ito dapat lunukin. Makakapinsala ito sa lalamunan at bituka. Dahilan din ito para mahirapan sa pagdumi. Kung may pinsala sa paglunok ng buto ng santol marami rin namang magagan-dang bagay na makukuha sa santol. Mayaman din sa Vitamin B, calcium at carbohydrates ang santol. Ang dagta na galing sa balat at ugat ng santol ay mabuti sa mga nilalagnat.

Alam n’yo ba na sa Kabikolan ay ginugulay ang santol. Ganito ang paraan ng paggawa ng ginataang santol o "sinantolan". Tanggalin ang mga buto ng santol. Kudkurin ang laman at pigaing mabuti para matanggal ang asim. Pakuluan ito. Maghanda ng gata ng niyog. Matapos mapakuluan ang kinudkod na santol ay ibuhos ang gata. Napakasarap ng "sinantol" lalo na’t ang ulam ay piniritong galunggong. Bagay na bagay ang "sinantol" sa mainit na kanin. Tiyak na gaganahan at pagpapawisan ang sinumang kakain ng "sinantol".

Inihahanda na rin ang "sinantol" sa mga engrandeng okasyon gaya ng kasalan, birthday at fiesta.

ALAM

BAGAY

DAHIL

DAHILAN

GANITO

INIHAHANDA

SANTOL

VITAMIN B

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with