^

PSN Opinyon

Salot sa dagat

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ISA akong scuba diver kaya alam ko kung gaano kayaman at kaganda ang ating karagatan. Nakita ko na ang walang katulad na kagandahan ng mga bagay na nasa pusod ng dagat.

Naranasan ko na ang makipaghabulan sa mga isda na iba’t iba ang laki, hugis at kulay, ang mga corrals na animo’y mga kastilyong nakabaon sa maputing buhangin, ang malalaking kabibe, mga starfish, sea urchins at naggagandahang seaweeds.

Isa sa paboritong dayuhin ng mga scuba diver ay ang Panay Gulf. Ang lugar na ito ang tinatawag nilang "paraiso ng mga maninisid". Subalit ang magandang kalikasan ay biglang pumangit nang ang malakristal na tubig ay kulapulan ng nakalalasong langis na tumagas sa M/T Solar 1 na lumubog noong Agosto 11.

Napinsala ng oil spill ang mga isda sa Guimaras. Ang Guimaras bukod sa lugar na maraming isda ay sikat din dahil sa masarap na mangga. Pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga taga-Guimaras ay ang pangingisda at turismo. Sinalanta ng oil spill ang kabuhayan ng mga taga-Guimaras. Wala nang bumili ng mga isda gayundin ng mga alimango, hipon, kasag, tahong at sea weeds dahil sa masamang epekto ng langis. Nasira ang mga bakawan na tirahan ng mga hipon at tahong. Ang "blue crabs" na ini-export din at malaking pagkakitaan gaya ng mangga, ay napurnada rin at maging ang mga beach resorts na dinarayo lalo na ng mga turista ay humina ang kita.

Naghihintay ng tulong ang mga taga-Guimaras. Sana naman ay maging mabilis ang pag-aksiyon ng mga kinauukulan sa problema sa Guimaras. Nangako ang isang oil company na sasagutin ang mga pinsalang naidulot ng oil spill. Sana naman ay totoo ang kanilang pangako at huwag hayaang mapako. Kawawa naman ang mga taga-Guimaras na walang pangitaing sasapit sa kanila ang ganitong kahigpit na taggutom. Huwag silang pabayaan sa salot sa oil spill.

AGOSTO

ANG GUIMARAS

GUIMARAS

HUWAG

ISA

KAWAWA

PANAY GULF

SANA

T SOLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with