Payo ko na huwag kalimutan ang posibilidad ng cancer sa inyong pasyente. Sa pag-eeksamin ng mga suso ng pasyenteng babae (iyong mga 30 anyos) huwag kalimutang i-pallate ang suso sa abnormal na bukol.
Huwag mag-prescribe ng follicle-stimulating hormones kung walang magandang rason. Huwag magsagawa ng gynecological examination kung walang gamit ng speculum. Magsagawa muna ng rectal examination bago mag-prescribe ng suppositories o laxatives.
Kung nakitaan ng gastric symptoms, iconsider ang posibilidad na may cancer sa gastro-intestinal tract. Tandaan na ang dugo sa ihi ay maaaring palatandaan ng cancer sa urinary tract.
Mag-ingat sa mga birth marks, nunal at warts at huwag magsagawa ng unnecessary treatment. Kung kinakailangan, idaan sa X-ray, ultrasound, computerized tomography (CT) scan at MRI (magnetic resonance imaging) para madetect ang cancer. Ang laboratory test makatutulong nang malaki.
Bilang doctor, magbigay ng cancer education lectures kapwa health professionals. Ang cancer prevention at ang maagang diagnosis ay mahalaga sa pagkontrol ng sakit.
Para sa kaalaman ng publiko ang mga sumusunod ang mga danger signs ng cancer:
sugat na hindi gumagaling particular sa labi, dila, taynga at genital organs.
bukol na hindi masakit, matigas na makikita sa suso, dila, labi, leeg at kilikili.
pagdurugo o abnormal discharge sa bahagi ng katawan especially sa bibig, tumbong, ari ng babae at urinary bladder.
pagbabago ng pagdumi lalo na kapag sumapit ng 40 anyos.
pamamaos at pagkakaroon ng sore throat.
madalas na hindi matunawan.
madalas na pananakit ng ulo, sinusitis at panlalabo ng mga mata.
Gayunman, ang mga palatandaang ito ay hindi naman nangangahulugan na mayroon na ngang cancer ang pasyente. Huwag magpanic at agad kumunsulta sa doctor.