Pumanaw si Aljay noong Agosto 28 sa Philippine General Hospital kung saan siya isinugod ng media team ng programang "Imbestigador" ng GMA 7 sa pagbabaka-sakaling maisasalba pa ang kanyang buhay na maagang pinahirapan ng mga kumplikasyon sa kanyang katawan dala naman ng malnutrisyon.
Ayon kay Imbestigador staff member Jonathan Espina, nangutang pa ng pamasahe si Gina (na inabandona pa ng kanyang kinakasama), upang makarating ng Maynila sa pag-asang narito ang mga may ginintuang puso na makakatulong sa kanilang gipit na kalagayan.
Sa pagtutulungan naman ng aking Mare Foundation at ng Imbestigador, nakarating sa kaalaman ko ang pangyayari kaya agaran kong inutusan ang aking mga staff upang asikasuhin ang pangangailangan ni Gina at ng kanyang dalawa pang anak.
Ang nangyayaring katulad nito ay masasabing isang nagpapatuloy na trahedya ng ating mga kababayan sa ilalim ng gobyernong Arroyo.
Subaybayan po ninyo sa susunod na labas ang mga sumunod na pangyayari sa kuwentong ito kasama na ang aking pananaw kung ano ang dapat gawin ng ating mga kababayan, partikular sa hanay ng kababaihan, sa harap ng patuloy na pagdilim ng kanilang kinabukasan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
E-mail address: doktora_ng_masa@yahoo.com.ph