EDITORYAL May puputulin na naman ang mga illegal logger?
August 28, 2006 | 12:00am
MABERDENG bukas ang makikita ng mga Pilipino. Malamig sa mata, masarap sa pakiramdam at lubhang kaaya-aya. Iyan ay dahil sa programa ng Green Philippine Highways (GPH) program ng gobyerno. Limang milyong punongkahoy ang itatanim mula Laoag hanggang Davao. Sinimulan na ni President Arroyo ang pagtatanim ng puno sa Luneta noong Biyernes. Ito ang matagal nang pinapangarap ng taumbayan, ang magkaroon ng berdeng kapaligiran.
Sabi ng Department of Environment and Na- tural Resources (DENR) mangangailangan ng 50 milyong punungkahoy para mataniman ang mga pangunahing highway sa bansa. Sa kabuuan, 2,176 kilometro ang tataniman ng puno. Sabi pa ng DENR, ang itatanim ay mga puno ng banaba, mahogany, narra at acacia. Magtatanim din ng mga namumulaklak na saraca na tinatawag na "Hari ng mga namumulaklak na punongkahoy". Kaaya-aya sa mata ang saraca lalo na kapag namumulaklak. Gaano kasarap magbiyahe kung pawang namumulaklak na kahoy ang makikita sa lansangang dadaanan.
Hindi lamang ang kagandahang maidudulot sa mga naglalakbay ang hangarin ng gobyerno kaya magtatanim ng punungkahoy. Isa rin sa da-hilan ay upang malabanan ang lumulubhang air pollution sa bansa particular sa Metro Manila. Kung magkakaroon ng mga puno, masisipsip ang car- bon dioxide na ibinubuga ng mga sasakyan.
Dahil sa air pollution sa Metro Manila, marami ang nagkakasakit sa baga. Unang tinatamaan ang mga driver ng pampasaherong sasakyan.
Batay sa pag-aaral, 70 percent ng nagdudulot ng pagdumi ng hangin sa Metro Manila ay ang ibinubugang maitim na usok ng mga pampasaherong sasakyan at 30 percent naman mula sa mga sinusunog na bagay. Wala kasing pangil ang Clean Air Act of 1999 kaya patuloy ang mga nagpapadumi sa hangin. Nakasaad sa Clean Air Act na bawal ang incinerators, mga lumang motor, pagsusunog ng basura at pagkakaingin, subalit hindi ito naipatutupad.
Salamat sa GPH program at magkakaroon na nang maraming punongkahoy. Ang isang nakapangangamba ay baka salaulain ng mga illegal logger ang mga kahoy. Bantayan ang mga salot na logger.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended