‘Caretaker, life taker’
August 23, 2006 | 12:00am
NGAYON ARAW NA ITO ANG SIMULA ng pagtatanghal ng aming programang "HUSTISYA PARA SA LAHAT". Lunes hanggang Biyernes ay mapapakinggan na ito sa ganap na alas-3 hanggang alas-4 ng hapon sa DWIZ 882 am band.
Inggit at hinanakit ang nag-udyok sa suspek upang gawin nito ang isang krimen sa biktima matapos itong palitan bilang caretaker ng isang lupain.
Ganito ang istoryang inilahad ni Maricris Nicolas ng Novaliches, Quezon City hinggil sa kasong isinampa nito laban sa suspek. Sa Pangasinan namamalagi ang kanyang mga magulang na sina Emma at Rodolfo. Caretaker ang mga ito sa isang lupain na ang nagmamay-ari ay nasa ibang bansa.
May ilang taon na din ang inilagi ng mag-asawa sa Pangasinan upang pangangasiwan ng nasabing lupain matapos nilang palitan ang dating katiwala dito, si Nestor.
Nadiskubre ng may-ari ng lupain ang umano’y panlolokong ginagawa ni Nestor. Matagal na ring kakilala ng mag-asawa ang suspek. Naging malapit din ito sa kanila. Madalas umanong pasyalan ni Nestor sina Emma at Rodolfo.
Ika-5 ng Abril 2003 bandang alas-5 ng hapon ay abalang naghahanda at nagluluto ng pang-hapunan si Emma nang may kumatok sa kanilang pinto. Samantala abala naman noon si Rodolfo sa likod bahay sa pagliligpit ng mga kalat doon.
"Dahil sa kilala na rin daw nila ang boses ni Nestor kaya agad namang pinagbuksan ng nanay ko ng pinto," kuwento ni Maricris.
Pagbukas ng pinto ay dire-diretso umano si Nestor na pumasok. Ni hindi manlang nito binati si Emma at sa palagay nito ay nakainom ang suspek.
Panatag naman ang loob ni Emma sa suspek. Wala umanong inisip ito na baka may gawing masama ito sa kanila. Hindi na rin nito tinanong ang pakay ni Nestor at ang tanging inisip nito ay may kailangan ito sa kanyang asawa. Pagkatapos noon ay bumalik na si Emma sa kusina at ipinapatuloy niya ang kanyang pagluluto.
Ilang sandali pa lamang ang nakakalipas nang makarinig umano siya ng kalabog. Noong una’y hindi muna niya pinansin ito subalit nang marinig niya ang sigaw ng asawa ay dali-dali niya itong tinunguhan.
"Hanggang sa marinig na lamang daw ng nanay ko na nagmamakaawa ito kay Nestor. Agad niyang pinuntahan ang dalawa at kitang-kita niya ang tagpong sinasaksak ng suspek ang tatay ko," salaysay ni Maricris.
Natulala at walang magawa si Emma nang makita nito ang asawa na ilang ulit na pinagsasaksak ng suspek. Wala umanong naging atraso ang mag-asawa sa suspek. Sinubukan din ni Emma na awatin ang suspek subalit siya naman ang binalingan nito ng saksak.
Nasaksak umano ni Nestor si Emma sa braso hanggang sa tumakbo na ito papalayo. Tinangka rin umanong habulin ng suspek si Emma at akmang sasaksakin ito. Sa kabutihang palad ay hindi na ito inabot pa. Pagkatapos ng krimeng ginawa ay mabilis namang nilisan ng suspek ang lugar.
"Sa takot daw ng nanay ko na baka patayin din siya ng suspek ay nagtago na lang din siya upang iligtas ang sarili," sabi ni Maricris.
May ilang minuto ding nagtago si Emma. Siniguro umano nitong na nakaalis na ang suspek bago siya lumabas mula sa kanyang pinagtaguan. Dali-dali niyang binalikan ang asawa upang tingnan ang kalagayan nito.
Hindi malaman ni Emma ang kanyang gagawin nang makita niya ang kanyang asawa na wala ng buhay. Samantala nagsisigaw pa umano si Teresita upang humingi ng tulong sa kapitbahay subalit kahit isa’y walang naglakas-loob na tulungan sila.
"Umupo na lamang daw ang nanay ko sa harap ng bahay at naghihintay ng may tutulong sa kanya," ayon kay Maricris.
Ilang oras din ang nakalipas nang may dumaang kakilala, si Delfin. Humingi umano ng tulong si Emma at isinalaysay nito ang nangyaring pag-atake sa kanilang ng suspek. Nagboluntaryo umano itong dalhin si Emma sa ospital upang lapatan ang mga tinamo nitong sugat.
Hindi na tumanggi si Emma sa alok ni Delfin na siya ay samahan sa ospital dahil naisip rin niyang wala na ring ibang tutulong pa sa kanya. Samantala matapos magpunta ng ospital ay inireport na rin ng mga itong sa himpilan ng pulisya ang nangyaring insidente.
Nagbigay ng salaysay si Emma sa mga pulis subalit ang suspek naman ay mabilis na ring tumakas at hindi na nagpakita. Kasong murder ang isinampa ng pamilya ng biktima sa suspek.
Samantala umalis na rin si Emma sa lugar na ‘yon sa pangambang baka siya ay balikan ni Nestor.
"Sa aming palagay ay inggit ang dahilan ng pagpatay ng suspek sa tatay ko. Matagal din kasi siyang nanilbihan sa may-ari ng lupain kaya hindi niya siguro matanggap na pinalitan siya," pahayag ni Maricris.
Hangad ng pamilya ng biktima na mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Rodolfo. Umaasa din silang pagbabayaran ng suspek ang ginawa nitong krimen.
Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong mag-text sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
E-mail address: tocal13@yahoo.com

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest