^

PSN Opinyon

Nasa tamang paraan ba ang inyong pagsesepilyo?

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NARANASAN na ba ninyong matapos magsepilyo ay pakiramdam ninyo’y marami pa ring tirang dumi sa ngipin? Kahit na ilang ulit pinadaanan ng toothbrush ang ngipin ay parang wala ring nangyari. Madalas mangyari ito sa marami. At ang sagot sa problemang ito, mali ang pamamaraan ng inyong pagsesepilyo.

Ang wastong pagsesepilyo ay nararapat ding malaman ng mga magulang para mapangalagaan ang ngipin ng kanilang mga anak.

Ayon kay Dr. Helen Velasco, ang bata ay dapat na turuang magsepilyo kahit na milk teeth pa lang ang mga ngipin niya. Ang milk teeth ang nagsisilbing pundasyon sa pagtubo ng permanent teeth.

Narito ang mga "pointers" sa wastong pagsesepilyo ayon kay Dr. Velasco:

• Sepilyuhin ang labas ng ngipin sa itaas, mula gilagid, pababa.

• Sepilyuhin ang labas ng ngipin sa ibaba mula sa gilagid, pataas.

• Sepilyuhin ang loob ng ngipin sa itaas, mula gilagid, pababa.

• Sepilyuhin ang loob ng ngipin sa ibaba, mula gilagid, pataas.

• Sepilyuhin ng paroo’t parito ang mga bagang, pangkagat o pangnguya, na nasa itaas.

• Sepilyuhin ng paroo’t parito ang mga pangkagat na nasa ibaba.

• Sepilyuhin ang dila.

• Pagkasepilyo gumamit ng dental floss o malinis na sinulid upang linisin ang pagitan ng mga ngipin.

Sinabi ni Dr. Velasco na dapat na ugaliing magsepilyo matapos kumain. Sa pagsese- pilyo ay nalilinis ang dumi, tinga, mantsa mula sa inuming may kulay gaya ng softdrinks at iba pang pampalamig at maging ang tartar ng mga naninigarilyo. Sinabi niya na sa wastong pagsesepilyo ay maiiwasang mabulok ang ngipin na nagiging sanhi ng bad breath.

AYON

DR. HELEN VELASCO

DR. VELASCO

KAHIT

MADALAS

NARITO

NGIPIN

SEPILYUHIN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with