^

PSN Opinyon

Marami bang alagang bulati ang inyong anak?

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ISA sa mga pinuproblema ng mga magulang ay ang pagkakaroon ng bulati ng kanilang mga anak. Mayroong mga magulang na hindi alam ang gagawin o kung paano pupuksain ang mga parasites sa kanilang mga anak.

Karaniwang nagkakaroon ng bulati ang mga batang naka-exposed sa maruming kapaligiran. Ang mga itlog ng bulati ay nasa maruming lupa. Kapag naglaro ang mga bata sa lupa, didikit ang mga itlog sa kanilang kamay at kung hindi sila maghuhugas ng kamay sa oras ng pagkain, tiyak na ang itlog ng bulati ay mapupunta sa kanilang bituka.

Kaya nararapat na panatilihing malinis ang katawan at kapaligiran para maiwasan ang mga bulati.

Madali namang makilala ang mga batang may alaga sa kani- lang tiyan. Ang mga bata ay karaniwang malalaki ang tiyan at namumutla, matamlay, mabagal lumaki, la-ging sumasakit ang tiyan at bumababa ang timbang. Sabi ng mga doktor, ang mga batang may bulati ay mahina ang performance sa klase.

Imulat sa mga bata ang ugaling pagsasabon at paghuhugas ng mga kamay bago kumain lalo na kung dumumi. Laging pagsuutin ng tsinelas ang mga anak. Laging alagaan at linisin ang mga kuko ng mga anak.

Kumunsulta sa doktor para maturuan ng tamang paggamot sa mga bulati. Hindi ito dapat ipagwalambahala ng magulang.

BULATI

IMULAT

KAPAG

KARANIWANG

KAYA

KUMUNSULTA

LAGING

MADALI

MAYROONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with