Ano ang kuneksiyon ni Ely Fontanilla sa CIDG?
August 4, 2006 | 12:00am
SINO si Ely Fontanilla?
Kahit saang sulok ako ng Manila Police District (MPD) magpunta eh inuulan ako ng mga tanong at karamihan pa sa mga kausap ko ay nagbigay ng impormasyon ukol kay Fontanilla, ang kolektor ng lingguhang intelihensiya ni CIDG chief Dir. Jesus Versoza sa jueteng. Ito palang si Fontanilla ay Novo Ecijano at napadikit kay Versoza noong nasa Intelligence Group (IG) pa ito. Di ba doon din sa IG tumakas itong teroristang si Al Ghozi? Kapag nababanggit kasi itong si Versoza, palaging nakakabit sa pangalan niya si Al Ghozi na napatay rin ng pulisya natin sa Mindanao ilang buwan matapos tumakas sa IG. Ayon sa mga kausap ko, si Fontanilla rin ang kolektor ni Versoza noon sa IG pa siya. Mukhang milyon kung mag-akyat ng pera si Fontanilla sa amo niya kayat pinagkakatiwalaan siya ni Versoza, di ba mga suki? Kung sabagay, wala tayong naririnig na negatibo laban dito kay Fontanilla sa mga jueteng lords kaya siguro tumagal rin siya sa ilegal na gawain niya, he-he-he! Kanya-kanyang estilo lang yan, di ba mga suki?
Mula pala sa IG, sumama na si Fontanilla kay Versoza nang mahirang itong hepe ng PRO-4. Siyempre pa, ginampanan rin ni Fontanilla ang kalakaran sa jueteng at iba pang sugal pero hindi rin sumingaw ang pangalan niya. Siguro dahil walang reklamo laban dito kay Fontanilla kayat minabuti ni Versoza na dalhin uli ito sa CIDG para tumining ang takbo ng tabakuhan at hindi masira ang pangalan niya. Tumpak lang, di ba mga suki? Lalo na at sunud-sunod ang magagandang accomplishments ng CIDG kayat nakalimutang kalkalin ng mga kinaukulan itong pagiging kolektor ni Fontanilla sa jueteng. Kaya dapat si PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon na ang kumilos para mapatigil si Fontanilla sa kanyang gawain at mabura rin sa isipan ng sambayanan ang kumakalat na tsismis na si CIDG rin ang bagman ng CPNP sa jueteng. Kayang-kaya ni Calderon na sipain si Fontanilla na isang sibilyan.
Ayon sa mga kausap ko sa MPD, si Fontanilla ay bata ng isang Ignacio sa CIS noong mga 70s. Naging civilian agent pa nga siya ng CIS. Hindi nagtagal, sumama siya kay Col. Monteagudo sa IG kung saan kolektor din siya. Matagal na ring kolektor ng intelihensiya si Fontanilla kayat kilala na siya sa lahat ng sulok ng bansa. Kasi nga di siya tulad ng ibang kolektor diyan na sanggang-diin o nanununog kung matawag. Kayat hindi nahihirapan itong si Fontanilla na kumuha ng amo. Gets mo Gen. Versoza Sir? At hindi lang yan. Masyadong pino kung kumilos itong si Fontanilla at katunayan ay hindi ito makikita sa loob ng headquarters ng CIDG sa Camp Crame. Ika nga, hindi bulgar kumilos si Fontanilla at hindi rin ginagasgas ang pangalan ni Versoza. Sa labas ng kampo nag-aabutan ng nakulimbat na intelihensiya, anang mga kausap ko. At may katwiran si Versoza na tanggihan ang alok sa kanya na palitan si NCRPO chief Dir. Vidal Querol na magreretiro na sa Agosto 13 dahil mas malaki ang kita sa jueteng sa CIDG. Sa NCRPO kasi ay walang jueteng. Gets nyo mga suki? Dahil sa pagdikit niya kay Versoza, lampas langit na buwenas ang darating dito kay Fontanilla dahil napipisil pa ang una na maging PNP chief sa hinaharap. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am