Terrorizing Anti-terror bill
July 31, 2006 | 12:00am
ANO kaya ang kahihinatnan ng bill laban sa terorismo? Itoy panukalang hindi bunsod ng kapritso ng administrasyon. Hindi ito naglalayong magkaroon ng dictatorial power ang administrasyon. Dahil sa banta ng terorismo sa buong mundo, ang bawat bansa ay obligadong dagdagan ng ngipin ang puwersa laban sa terorismo.
Sa ating bansa, parang walang pinatutunguhan ang bill na ito. The reason is plain and simple politics. Pati mga miyembro ng oposisyon na kasamang umakda noon sa ganitong bill ay tumututol ngayon sa panukalang batas. Ang dahilan, natatakot silang gamitin ito ni Presidente Arroyo para maging isang diktador. Mismong si Senador Aquilino Pimentel ay nangangamba. Nagbababala sa lahat tungkol sa mapanupil na epekto ng bill kapag naisabatas. Nagwarning si Pimentel sa mga kasapi ng media na siyasatin ang panukalang batas at maghayag ng opinyon sa mga inaakala nilang probisyon na puwedeng sumupil sa press freedom.
Habang nakabitin ang batas, lalu namang lumalaki ang tsansa ng bansa ng maging biktima ng isang kaso ng terorismo na baka mas masahol pa sa naranasan ng Amerika nang banggain ng dalawang eroplanong komersyal ang gumuhong Twin Towers sa New York.
Kinikilala ni Pimentel na kailangan ang batas upang bakahin ang pandarahas ng mga terorista laban sa mga inosenteng sibilyan. Pero natatakot siya bunga ng karanasan ng bansa kamakailan nang magpatupad ng warrantless arrest ang pamahalaan sa ilang kasapi ng oposisyon na sinasabing sangkot sa planong ibagsak ang rehimeng Arroyo at pati ang isang diyaryong bumabatikos dito ay tinangkang kontrolin.
Kung wala pa mang anti-terrorism bill ay nagagawa na ito, paano pa kaya kung mayroon na? Iyan ang tanong ng maraming miyembro ng oposisyon. Nangangamba ang oposisyon na baka kapag may batas na laban sa terorismo ay i-ugnay sila sa mga grupong mapanligalig, para magkaroon ng dahilang silay dakpin at ikulong. The opposition is terrorized by the anti-terrorism bill. Isa lang ang dahilan kung bakit. Kasi, ang oposisyon ay nasa isang collision course sa administrasyon.
Sa kalagayan ng daigdig ngayon, ang kailangang asal ng oposisyon ay critical collaboration at huwag namang ituring na ang lahat ng hakbang na ginagawa ng administrasyon ay puro "sa-demonyo." Pare-pareho tayong talo sa ganyang asal ng oposisyon. Maghintay tayo ng tamang paraan para papanagutin ang Pangulo sa mga inaakusang katiwalian. Iyan ay pagkatapos ng kanyang termino.
Email me at [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended