May eleksyon ngayon sa NPC pero ito ay para sa mga miyembro ng Press Photographer of the Philippines Sangkatutak ang kandidato kaya maganda ang labanan. Si Cris Heramis ng Police Files ang bobotak para sa the NEW PPP bilang panggulo este mali Pangulo pala at ang kalaban ay si Revoli Cortez ng The Freeman Newspaper. Sa mga botante go out and vote! Sa mananalo congrats at sa mga matatalo better luck next time!
Ang isyu, bibigyan daw ng dalawang puwesto ni newly designated PNP bossing Oscar Calderon ang mga media practitioner sa itinatag na Task Force Usig! Sabi nga, sana totoo!
Gusto kasi ni Oca na makatulong ang dalawang pauupuin sa pag-resolve sa mga case ng media killings. Sandamukal na kasing media practitioners ang tinitigok ng mga kamote. Sabi nga, 81 lang naman!
Sinabi ni Oca, kailangang magkaroon ng liason officer ang taga-media sa kampo karne este mali Crame pala para mapabilis ang pagproseso o pag-tugis sa mga gagong killers. Ang masama ayaw pumayag ni Oca na bigyan ng Permit to Carry Firearms Outside Residence ang taga-media dahil kailangan daw itong pag-aralan sa bote este mali mabuti ng kanyang tanggapan.
Mahirap na raw ang makadisgrasya ang media dahil sa maling paggamit ng boga. Naku ha!
Sana General, paspasan mo ang pag-aaral regarding sa media killing para naman magkaroon ng proteksyon ang mga kabaro namin laban sa mga gagong kamote ng lipunan.
Bakit ayaw big- yan ni Calderon ng PTCFOR ang media? tanong ng kuwagong manananggol.
Baka raw maabuso sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Bakit ang jueteng naabuso hindi niya pinag-aaralan ng husto?
Kamote ka pala bagong upo pa lang si Oca sa kanyang kaharian! sabi ng kuwagong Kotong cop.
Ano ang maganda?
Maghintay ka na lang kamote!