^

PSN Opinyon

CBCP inaani lang ang ipinunlang pamumulitika

SAPOL - Jarius Bondoc -
NAGTATAMPO sina Bishop Diosdado Talamayan ng Tuguegarao, Ramon Villena ng Bayombong, Sergio Utleg ng Ilagan, Rodolfo Beltran ng Bontoc-Lagawe, at Prudencio Andaya Jr. ng Tabuk. Hindi na nila matiis ang banat ng Oposisyon dahil hindi inendorso ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang impeachment ni Gloria Arroyo. Tigilan na raw ang pagbansag na "suhol" sa pagtulong ng gobyerno sa mahihirap sa pamamagitan ng mga obispo. At pinitik ang isang pahayagan dahil puro anonynous source lang ang nagsasabing namigay ang Malacañang ng tig-P15,000-P30,000 nu’ng semestral pulong ng mga obispo.

Sa isang dako, tama ang mga obispo. Hindi dapat mamilit ang Oposisyon ng suporta sa pagkilos nila, impeachment man o ano pang pamumulitika. Malayang bansa ito, at hindi lang sila ang nag-iisip at naghahangad ng kabutihan ng bansa. Huwag nilang paratangan ng suhol ang pakikiisa sa gobyerno. At huwag silang mag-akusa nang hindi pinapangalanan ang nag-aakusa.

Sa kabilang dako naman, mabuti nga’t nakakatikim ng upak ang mga obispo. Inaani lang nila ang ipinunla nilang pamumulitika.

Kung may inaasahang kilos partisano sa mga obispo, at kung may masasakit na salita silang natatanggap sa kabilang panig, ito’y kasalanan nilang lahat. Hindi dapat nakikialam sa pulitika ang mga obispo – lalo na bilang isang institusyon tulad ng CBCP dahil hindi naman nagbabayad ng buwis ang Simbahan.

Pero mula pa Panahon ng Kastila hangga ngayon, ugali na ng mga obispo manghimasok sa pulitika. Kesyo mali raw ang sex education sa public schools o pagkalat ng condom sa probinsiya. Kesyo pabagsakin daw ang isang administrasyon sa pamamagitan ng people power, at kaysa itaguyod ang ilang ritwal Katoliko sa mga gawaing gobyerno. Sa bawat kilos na ganito ng mga obispo, may nasasagasaan at nagagalit. Itinutulad sila sa mga kinasusuklamang politiko. Kung Diyos at pagmamahal sa kapwa na lang ang isulong ng mga obispo, ma-e-exempt sila sa upak.

BISHOP DIOSDADO TALAMAYAN

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

GLORIA ARROYO

KESYO

KUNG DIYOS

OBISPO

OPOSISYON

PRUDENCIO ANDAYA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with