^

PSN Opinyon

Dream Satellite para sa Tabionan at Ilayang Talim Elem. Schools

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
LABIS ang kaligayahan ng mga mag-aaral, guro at mga magulang ng Tabionan Elementary School nang sila’y mapagkalooban ng isang unit ng Dream Satellite na handog ng Damayan Foundation ng Star Group of Publication bilang bahagi ng ika-20 anibersaryo ng pahayagan The Philippine STAR at Pilipino Star NGAYON.

Para sa kaalaman n’yo mga suki, ang Tabionan Elementary School ay napapaligiran ng matataas na bundok sa Gasan, Marinduque. Walang masagap na signal ang aming mga cell phone at maging ang koryente ay kukurap-kurap kung kaya di-kataka takang bihira ang may telebisyon sa naturang lugar.

Karamihan sa mga estudyante ay naglalakad ng humigit kumulang sa limang kilometro bago marating ang naturang paaralan. Kung kaya ang karamihan sa mga guro rito ay nakatira sa isang silid paaralan at lingguhan na lamang kung sila’y umuwi sa kanilang mga tahanan.

Binabagtas ng mga mag-aaral ang masukal at makipot na mga kalsada sa gilid ng mga matatarik na bangin at tumatawid sa mga ilog kung kaya’t kapansin pansin na ang ilan sa kanila ay nakapaa na lamang at putikan ang mga suot na damit. Subalit labis ang aming paghanga sa mga kabataan dahil bihira sa kanila ang lumiliban sa klase.

Kung kaya ng aming marating ang naturang paaralan, agad kaming sinalubong ng mga kabataan, he-he-he! Sinalubong nila kami ng masayang pagbati at binuhat pa nila ang aming mga dala para sa kanila

Nasorpresa ang aming grupo dahil naroon na pala sa naturang paaralan sina Dr. Florante V. Saet, School Division Superintendent; Dr. Celso Z. Guevarra, Gasan District Superintendent; Rodolfo M. Cipriano, Head Teacher III Tiguion National High School; Barangay Chairman Mariano A. Sena at Maria Vallino, Head Teacher ng naturang paaralan.

Sa simpleng seremonya hinandugan kami ng mga kabataan ng isang makulay at masayang kantahan at sayawan. Dumalo rin sa naturang okasyon ang mga magulang at ilang bisitang nagmula pa sa ibang kalapit na bayan.

Sa talumpati ni Dr. Saet, labis ang kanyang pasasalamat sa Damayan Foundation na ang dating school na kanyang pinagtuturuan ang mahandugan ng isang satellite. "Labis naming pinasasalamatan si Mr. Miguel G. Belmonte ang over-all chairman ng Damayan Foundation sa pagpili ng Tabionan Elementary School na mahandugan ng regalong telebisyon na may satellite."

Maging sina Dr. Guevarra at Head Teacher Vallino ay labis din ang pasasalamat. Maging si Brgy. Chairman Sena ay nagpapasalamat dahil magkakaroon na sila ng telebisyon mapapanooran ng balita ukol sa kondisyon ng panahon, kung kaya’t ang lahat ng kanyang mga kabarangay ay pinagbilinang bantayan ito at ingatan.

At matapos ang naturang okasyon agad kaming lumisan upang tunguhin ang Lucena City bilang bahagi ng aming misyon. Isang Dream Satellite rin ang aming ibinigay sa Ilayang Talim Elementary School sa Lucena City.

Labis ang kaligayahang nadarama ng mga kabataang mag-aaral, mga guro at mga magulang ng aming ipagkaloob sa kanila ang naturang unit. Dumalo sa naturang seremonya sina Ginoong Felix Avillo, OIC Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala ng mga Paaralang Panlungsod, Gng. Asuzena Romulo, Tagapamanihala ng mga Paaralan, Sangay ng Quezon, Gng. Fernandita Barona, Gng. Janelet Fuentes G. Rizalito Fetalco ng aming ibigay kay Engr. Angelina Mendoza, Principal ng naturang paaralan ang unit ng Dream Satellite.

At sa labis na kaligayahan ng mga guro at mga magulang kami ay inanyayahan pa sa isang salu-salo sa naturang paaralan. He-he-he! Tanggal ang aming gutom at hirap na naramdaman sa masagana nilang handa at taos-pusong pagtanggap sa aming grupo.

AMING

DAMAYAN FOUNDATION

DREAM SATELLITE

GNG

HEAD TEACHER

LUCENA CITY

NATURANG

PAARALAN

TABIONAN ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with