Sa pamamagitan ng proyekto, magkakaroon din ng ugnayan ang local government units at mga residente sa pagkalap ng mga ulat na may kinalaman sa lagay ng panahon.
Ayon kay Prisco Nilo, PAGASA operational services deputy director, mahalagang ma-monitor ang pag-ulan na lubhang mapanganib sa mga lugar na madalas magbaha at pagguho ng lupa na kagaya ng nangyari sa Baguio City kamakalawa.
Umaabot sa 425 locally fabricated rain gauges ang ilulunsad sa mga flood-and-landslide prone areas sa Cagayan Valley, Central Luzon, Southern Tagalog, Bicol Region at Eastern Visayas. Ang mga nabanggit na lugar ang priority areas ng National Disaster Coordinating Council (NDCC).
Ang mga guro at student volunteer ay sasanayin sa data collection and dissemination, basic weather forecasting and early warning system. Mamamahagi rin ang PAGASA ng cell phone sa mga volunteer para mapabilis ang transmission of information. Magagamit din nila ang radyo at mga kampana ng simbahan kaugnay sa proyektong nabanggit.