Dahil dito, ipinapayo ng mga manggagamot na mag-relax, magpahinga, uminom nang maraming tubig, mag-ehersisyo at tumawa para maibsan ang mga alalahanin.
Ang isang mabisang paraan ng pagre-relax at pagpapatulog sa sarili ay hindi ang pagbibilang ng mga tupa kundi ang pagbibilang ng mga biyayang natamo mula sa Panginoon ito may maliit o malaki.
Sa ika-22 anibersaryo ng samahan naming AKKAPKA-CANV ganoon ang aming ginawa. Nagbilang kami ng aming mga natanggap na pagpapala, bilang isang indibidwal, bilang isang pamilya, bilang isang komunidad, bilang isang samahan sa loob ng 22 taon. At totoo nga, sobrang dami! At sa ganoon ay marapat lamang na laging magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng mga biyaya at pagpapalang natamo at matatamo pa. Sa pamamagitan ng mga taong nakapaligid sa atin, sa pamamagitan ng kalikasan at kapaligiran, sa pamamagitan ng espiritwal na kagaanan ng kalooban, sa pamamagitan ng mga tawanan, ngiti at batian.
Hindi ko maisusulat ang lahat-lahat ng mga pagpapala dahil sa kakulangan ng espasyo. Ang idaragdag ko lamang ay isang espesyal na pasasalamat sa Panginoon sa mabuting kalooban nina G. N. Donato at Bb. Alice Quilitis at mga kawani ng Luisa Ridge sa Pansol, Laguna sa pagpapagamit nila sa amin ng kanilang lugar, at kay Gng. Rita L. at kanyang mga alalay sa pag-aasikaso sa aming pagkain.
Papuri sa Panginoon sa lahat ng mga pagpapala!