^

PSN Opinyon

Impeachment na naman

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Impeachment, impeachment —- ay ano ba ito?
Ito ba’y pagkaing kutsinta at puto?
Aba ito’y aks’yong ang layunin nito
Sana’y mapatalsik ang ating Pangulo!

Matagal nang ito’y ating naririnig
Sa maraming kampo’t sa maraming panig;
Di lamang iisa may ganitong nais
Matanda at bata impeachment ang himig!

Unang nagsatinig ay ang oposisyon
At ito’y sinundan ng ibang katugon;
May dalwang matanda na sulong ng sulong
Pero wala pa ring mangyari sa misyon!

Ngayo’y kabataan ang nagmamatigas
At bagong impeachment ang inihaharap;
Kaya hanggang ngayon ay nakikimatyag
Itong sambayanang kaiba ang hangad!

Kaiba nga sila pagka’t tanging mithi
Ay kapayapaan —- lahat ng sandali
Impeachment at gulo ay ayaw maghari
Pagka’t sa civil war ay baka mauwi!

Sa ngayo’y tahimik itong ating bansa
Dahil ang Pangulo’y di nagpapabaya;
Kung siya’y ma-impeach ngayo’y ano kaya?
Sino ang po-poder? Sila’y ilan kaya?

Iba’t ibang grupo ang gusto’y alisin
Ang ating Pangulo at sila ang sundin;
Dahil sa marami’y h’wag nating alamin
Kung sinong uupo? Ang pinaka-sakim?

Kung kaya ang payo ng pitak na ito
Sa aking latigo ay umiwas kayo;
Ang gawang umiwas magagawa ninyo:
Ang mga impeachment -— pag-isahin ninyo!

Kung kayo’y solido at di watak-watak
Matanda at bata iisa ang hangad;
Marahil saka lang gusto n’yo’y matupad
At magtatagumpay kayong magpalayas!

vuukle comment

DAHIL

IMPEACHMENT

ITONG

KAIBA

KAYA

MARAHIL

MATAGAL

MATANDA

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with