Mahigpit na pinamanmanan ni retired General Angel Atutubo, ng Security and Emergency ng MIAA ang napabalitang nakawan ng mga bagahe sa rampa ng NAIA. Marami na rin kasing reklamo ang nakakarating sa management regarding this matter. Sabi nga, kanya-kanyang bulsahan.
Nagdagdag si Atutubo ng monitoring team sa rampa para matigil ang nangyayaring nakawan at mahuli ang mga gago todits. Ika nga, ipakulong silang lahat.
Hindi biro ang mga tirador sa rampa dahil masyado na silang anay todits na bumibiktima ng mga kawawang pasahero from abroad at maging sa mga umaalis todits papunta sa ibang bansa. Kaya naman gumawa nang matinding pagmamanman si Atutubo para tiktikan ang mga kawatan.
Sa rampa kasi bumabagsak ang mga bagahe ng mga pasahero matapos itong i-check-in sa mga airlines counter para isakay sa eroplano. Ganito rin ang nangyayari, sa rampa rin dumadaan ang mga dumarating na bagahe galing aboard, este mali, abroad pala bago naman isampa sa conveyor para umakyat sa arrival area at kunin ng mga arriving passengers.
Sa puntong ito nagkakaroon ng sistema ang mga tirador sa rampa kaya naman gumagawa sila ng paraan para nakawan ang mga bagahe todits.
"Mahuli kaya ni Atutubo ang mga culprits?" tanong ng kuwagong oslo sa Quiapo.
"Tiyak iyon dahil marami ngayon ang naka-detail sa rampa."
"Mga intel ba sila?" tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Iyan kamote, ang itanong natin kay Atutubo."