^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Mega problema ng Comelec

-
KAKATWA ang nangyayari sa maanomalyang kontrata na inaprubahan ng mga commissioners ng Commission on Election noong 2003. Iisa lang ang lumabas na may kasalanan gayong anim na iba pa ang nag-apruba ng P1.2 bilyong kontrata sa MegaPacific para ma-computerized ang 2004 elections. Inirekomenda ng Office of the Ombudsman na ma-impeached si Commissioner Resureccion Borra dahil sa anomalya ng pag-aaward ng kontrata sa MegaPacific. Bukod sa impeachment, kakasuhan na rin ng katiwalian si Borra. Si Borra ang namuno sa agency para sa modernization ng election. Hindi raw nahadlangan ni Borra ang maanomalyang kontrata kaya nabili ang may 200 ballot counting machines noong 2003. Gagamitin sana ang mga counting machines noong May 2004 elections. Pero nang testingin ang mga machines, hindi umubra sapagkat mali ang mga data.

Ang nakapagtataka lamang ay kung bakit si Borra lamang ang nakita ng Ombudsman gayong ang mga kasamahan niyang commissioners kabilang si Comelec chairman Benjamin Abalos ay kabilang din sa mga nag-apruba. Bakit si Borra lamang ang nadiin nang husto gayong anim na tao pa ang kasangkot?

Marami ang umasa na ang 2004 Presidential elections ay magiging mabilis na dahil nga sa modernisasyon na isinulong ng Comelec. Hindi na manu-mano ang bilangan at mababawasan na ang dayaan. Pero hindi ito nangyari sapagkat palpak nga ang nakuhang MegaPacific. Nang testingin ay maraming mali ang lumabas na data. Isipin na lamang kung gaano kamahal ang mga counting machines na ito at pagkatapos ay hindi pala mapapakinabangan. Pera ng taumbayan ang ipinambayad sa MegaPacific at nawalan lamang ng saysay.

Lahat ng mga nag-apruba sa maanomalyang kontrata ang dapat managot. Hindi lamang isang tao ang dapat kasuhan o maimpeached. Kung sama-sama silang nag-apruba sa kontrata ng MegaPacific, sama-sama rin silang kasuhan.

Masyado nang nabahiran ng putik ang Comelec at panahon na para magkaroon ng pagbabago. Hindi lamang tungkol sa kontrobersiya sa computerization kundi pati na rin sa pagkakasangkot ni Commissioner Virgilio Garcillano na pinaniniwalaang nakausap ni President Arroyo noong panahon ng 2004 election.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa Comelec, ano na ang mangyayari sa susunod pang mga elections sa bansang ito.

BENJAMIN ABALOS

BORRA

COMELEC

COMMISSIONER RESURECCION BORRA

COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

LAMANG

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with