Nakawan sa Bgy. Sikatuna

TULOG sa pansitan at walang pakialam ang mga burungoy sa Barangay Sikatuna sa Quezon City.

Tinira kasi sa loob ng garahe ng isa sa kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO ang bisikletang pinaghirapan nilang bilhin.

Kaya naman nanggagalaiti sa galit ang anak na lalaki ng kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO. Natuklasan ang nakawan just yesterday morning nang hanapin ang bisikleta.

Hindi na inireklamo ng kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO ang nasabing insidente dahil para sa kanila ay alaws nang magagawa ang sleeping group ng mga burungoy ang the foolish cops, este mali, lespu pala.

Ilang metro lamang ang layo sa haybol ng isa sa kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Camp Karingal pero mukhang inutil ang mga rakpa todits.

Wala kasi akong makitang police visibility sa nasabing lugar pati burungoy patrol ay dehins din nakikita todits. Sabi nga, talagang inutil! Funding sa bulsa lang siguro napupunta.

Hindi biro ang price ng bicycle na tinira ng mga gago sa nasabing lugar. Samantala, hindi rin ito ang unang beses na ninakawan ang mga pobreng alindahaw. Sabi nga, sunud-sunod.

Ano kaya ang masasabi ni QCPD bossing Radovan sa nagaganap sa kanyang teritoryo. Tiyak alaws itong alam!

Magaling lang sa press releases ang kanyang mga alipores. Ika nga, sa pagpapapogi!

Ang gagong burungoy naman todits ay walang ginawa kundi ang matulog sa pansitan. Sabi nga, sa pitsa lang magagaling.

"Mukhang galit na galit ang Chief Kuwago sa kanyang sinasabi?" tanong ng kuwagong tirador.

"Oo nga," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Bakit ba talamak ang nakawan diyan sa Barangay Sikatuna?" tanong ng kuwagong kubrador ng jueteng.

"Iba kasi ang pinagkakaabalahan ng mga kamote."

Show comments