‘OTB sa tabi ng eskwelahan’

Marami kaming natanggap na reklamo mula sa mga taga-Villa Olympia, San Vicente, San Pedro, Laguna, partikular na ang mga magulang ng mga mag-aaral ng Immaculate ng isang ama na ang anak na lalake ay nag-aaral OTB College kung saan isang kalye lang ang layo, less than 50 meters ang isang Off Track Betting Station na ang pangalan ay Friendster OTB na ang may-ari ay si Divina Olivarez.

"Hindi dapat binigyan ng permit ni Mayor Vierneza ang OTB na ito dahil sa malapit sa school. Wala ba silang rules and regulations, mga Municipal Ordinances na nagbabawal sa ganitong OTB." hinaing ng isang ama.

Tinatawagan namin ng pansin hindi lamang si Mayor Felicisimo Viernesa kundi pati na rin si Chairman Florencio Fianza ng Philippine Racing Commission at si Atty Alfonso Reyno ng San Lazaro Liesure Park kung paano nabigyan ng permit ang OTB na ito. Paki imbestigahan lang dahil malapit pa rin ito sa isang simbahan.

Gen. Fianza pakitang gilas ka naman para hindi sinasabi ng mga tao na wala kang alam tungkol sa Horse Racing at maitutulong dito. Tututukan natin itong isyung ito! Ngayon para sa aking tampok na artikulo.
‘Puso ang tama...’ (Patayan sa parking lot)
Part II


SA PAGPAPATULOY NG kaso ni Patrick James Gochingco ang karugtong nitong kuwento. Nauna ng pumasok sa bahay ang asawa ng biktima, si Ann Ruth habang naghahanap pa ito ng pagpaparadahan ng kanilang sasakyan.

Nang makahanap ng lugar na pagpaparadahan si Patrick ay pinarada na nito sa isang tabi subalit nang makita umano ito ni Georlando ay hindi naman ito nag-atubiling sitahin ito sa pamamagitan ng pagsigaw at sinabihang bawal pumarada sa puwestong nais nitong paradahan.

Subalit hindi ito narinig ng biktima sapagkat saradong lahat ang mga bintana ng sasakyan nito at kasalukuyang ding nakikipag-usap pa sa kanyang cellular phone. Bukod dito ay tatlong beses umanong binomba ng biktima ang kanyang sasakyan.

Sa pahayag ni Edmon Agramon, isa sa mga nakasaksi sa nangyaring insidente na kasalukuyan din itong nakikipag-inuman sa mga kaibigan sa isang tindahan. Nakita umano nitong nagmamadaling bumaba sa treehouse ang magkapatid na pulis. Nagmamadaling umuwi ng bahay si Georlando habang si Ariel naman ay nagbabantay umano sa labas.

"Hindi naman daw nagtagal ay mabilis na lumabas ng bahay si Georlando bitbit umano nito ang isang baby armalite at kasabay nito ay bumunot din ng baril si Ariel na isang .45 kalibre mula sa kanyang baywang," salaysay ni Ann Ruth.

Lumapit umano ang magkapatid na pulis sa sasakyan ni Patrick James habang ang grupo ng isa sa mga testigo ay nagsipagtabi dahil na rin sa takot na maaaring mangyari. Habang nakikipag-usap sa telepono ang biktima nagulat na lamang umano ito nang puwersahang buksan ni Georlando ang pintuan ng kotse nito.

"Hinatak daw nitong Georlando ang asawa ko palabas sa kotse habang ang kapatid naman nitong si Ariel ay nakasuporta sa bandang likuran. Nakatutok din ang baril nito sa bandang likuran ni Patrick James. Nagulat ang asawa ko sa ginawa ng suspek," sabi ni Ann Ruth.

Napunit pa umano ang damit ng biktima dahil sa lakas ng pagkakahila ng suspek at nang makalabas na ito ay agad na tinututok ni Georlando ang kanyang baril kay Patrick James.

"Galit na galit daw si Georlando sa asawa ko nang mga oras na ‘yon kaya naman sa takot ng asawa ko na tuluyan siyang barilin ay nagmakaawa pa ito at itinaas pa ang dalawang kamay," pahayag ni Ann Ruth.

Samantala sa sobrang lakas umano ng pagkakahila sa biktima, napunit pa ang damit nito. Nang makalabas noon si Patrick James ay agad umanong tinutok ni Georlando ang kanyang baby armalite dito. Galit na umanong pinagsabihan ni Georlando ang biktima.

Itinaas naman umano ni Patrick James ang kanyang mga kamay. Nagmamakaawa ito at sinabing residente din siya sa lugar na ‘yon at naghahanap lamang siya ng pagpaparadahan.

Binaril ng malapitan ni Georlando ang biktima at tumagos ang bala sa likuran nito. Hindi sinasadyang matamaan ang pamangkin ng mga suspek na si Jason Platon na noon ay nakatayo sa likuran ng biktima ng mga sandaling ‘yon.

Nakalakad pa umano si Jason ng ilang hakbang at ng makalapit ito sa grupo ng saksing si Edmon ay natumba na ito at agad namang isinugod sa ospital. Matapos ang insidente ay agad na umalis ang mga suspek sa pinangyarihan ng krimen.

Nang makaalis na ang mga ito nagsilabasan na rin ang ilang mga residente sa nasabing lugar. Nag-usap-usap ang mga ito kasama si Ann Ruth. Mahigit kumulang 15 minuto ang nakalipas ay sinundan ng tingin ni Ann Ruth ang kapitbahay nilang nagngangalang, Mang Romy nang kung saan ay nagpunta ito sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Bigla itong bumalik sa kinatatayuan nina Ann Ruth at sinabi nito sa kanya na kung maaari ay tingnan nito ang kanyang nakita na baka asawa nito ang lalaking naroroon din.

"Nagmamadaling kong pinuntahan ang lugar kung saan binanggit ni Mang Romy na baka asawa ko ang lalaking naroon. Hindi ko naman alam na si Patrick na pala ang binaril ng mga suspek. Hindi ko makayanan nang makita kong duguan at wala ng buhay ang asawa ko," pahayag ni Ann Ruth.

Nagsampa ng kasong murder si Ann Ruth laban sa mga suspek. Sa preliminary investigation nagbigay ng salaysay ang mga suspek at mariin nitong itinanggi ang akusasyon laban sa kanila.

"Ang sabi nila wala silang kinalaman sa nangyari kay Patrick. Na nagulat na lang sila ng biglang may nagpaputok mula sa malayo at nakasakay pa umano ito sa isang Pajero. Walang katotohanan dahil ang tama ng asawa ko ay malapitan," sabi ni Ann Ruth.

"Hangad namin ay hustisya para sa asawa kong pinaslang. Nagtatago na ang mga suspek. Umaasa kaming mahuhuli din sila para pagbayaran ang kanilang ginawa.

Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
* * *
E-mail address: tocal13@yahoo.com

Show comments